Adobo recipe na paborito ni Jose Rizal, titikman sa 'Pinas Sarap!'
Ngayong Huwebes, samahan si Kara David alamin ang pinagmulan ng isa sa pinakasikat na putahe sa Pilipinas na pinasarap ng kombinasyon ng alat at asim. Iniluluto ito at inihahain sa bawat tahanan kaya sinasabing ito na nga raw ang pambansang ulam… ang ADOBO!
Mula Manila, dumayo si Kara sa La Union, Laguna at Pampanga para tikman ang iba’t ibang bersyon ng adobo. Sa La union, sumisid si Kara sa dagat para manghuli ng mga pugita. Specialty kasi ng mga residente ng San Fernando ang adobong pugita.
Sa Laguna, tuklasin natin ang panlasa ng nakaraan sa paboritong adobo ng ating national hero na si Dr. Jose Rizal. Iluluto ng mga apo ni Rizal ang mga heirloom recipe ng kanilang pamilya, ang Adobo sa Labanos at Adobo sa Gata.
Sa Pampanga, aalamin ni Kara ang orihinal na bersyon ng Adobo, ang Adobong Puti. Hindi tulad ng ating nakasanayan, walang toyo ang Adobong Puti! Dati raw ang adobo ay hindi lang paraan ng pagluluto kundi paraan ng pagpi-preserba ng pagkain
Warning lang mga Kapuso, kapag nanood ng Pinas Sarap, magke-crave kayo ng pagkaing aming ipakikita. Mag-ingat lamang po sa inyong paghahanap ng Pinas Sarap na adoboJ
Manuod at matakam sa mga lutuing Pilipino sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!