Pampalamig ngayong summer na halo-halo, tampok sa 'Pinas Sarap!'
Summer is definitely here! At tuwing tag-init, isa sa pinakasikat na pampalamig ng mga Pilipino ang haluhalo! Pero paano nga ba naimbento ang all-time favorite na dessert na ito? Bakit nga ba ito tinawag na Haluhalo?
Bukod sa isa sa mga paboritong summer destination ang La Union, sinadya ni Kara David ang probinsiya para tikman ang haluhalong mas pinasarap ng isang dosenang sangkap, ang Haluhalo de Iloko! Sa dami nga ng sangkap nito, sa sahog pa lang siguradong busog ka na. Naranasan ni Kara ang hirap sa paggawa ng bawat sangkap nito, gaya ng yema pandan. Dito nasubukan niya ang maggatas ng kalabaw.
Sa Laguna, samahan naman si Kara bisitahin ang isa sa pinakamatandang haluhalo store, ang Aling Taleng’s Haluhalo. Hindi raw nagbago ang kanilang timpla sa nakalipas na 80 years. Trademark ng kanilang haluhalo ang sangkap na kundol o winter melon at tumbong o tubo ng niyog. Sa Laguna rin natikman ni Kara ang mga haluhalo with a twist. Nakatikim ka na ba ng haluhalong may chili powder and flakes? O haluhalong may itlog na maalat?
Ang tamis ng haluhalo, damang-dama rin ng ilan nating kababayang umunlad ang pamumuhay dahil sa pagtitinda nito. Dating naglalako lang ng sangkap ng haluhalo si Joy, pero ngayon may planta na sila na gumagawa ng sangkap ng haluhalo. Sila na ang supplier ng mga sangkap sa haluhalong gawa ng mga sikat na fastfood restaurants.
Ngayong tag-init, kumain ng haluhalo at magpalamig habang nanunuod ng pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!