Pinoy merienda na suman, titikman sa 'Pinas Sarap!'
Ito raw ang kauna-unahang kakanin at isa sa mga orihinal na pagkaing Pilipino. Noong panahon bago pa ang pananakop ng mga Kastila, nagsilbi itong alay sa mga diyos. Ngayon isa ito sa mga pagkaing madalas ihanda sa mga kasiyahan sa kulturang Pilipino, gaya Pasko, kasal, binyag, kaarawan at fiesta! Samahan si Kara David na alamin ang kasaysayan at kuwento sa isa sa paboritong merienda ng mga Pilipino… ang SUMAN!

_2017_05_16_19_08_02_1.jpg)
Tuwing Mayo ipinagdiriwang ang Mayohan sa Tayabas sa probinsiya ng Quezon. At ang highlight ng fiesta, ang hagisan ng suman. Paraan daw nila ito para magpasalamat sa kanilang patron na si San Isidro Labrador sa masaganang ani. Pero espesyal ang suman na bimibida sa pagdiriwang. Tuwing fiesta lang daw matitikman ang suman San Isidro. Tuturuan si Kara gumawa ng suman San Isidro ng isa sa pinakamatandang nagluluto nito.
_2017_05_16_19_08_02_0.jpg)
_2017_05_16_19_08_02_4.jpg)
Sa Antipolo, dumarayo ang mga deboto para magdasal sa Our Lady of Peace and Good Voyage. Pagkatapos ng misa, diretso ang mga tao sa bilihan ng pasalubong. Kilala rin kasi ang Antipolo dahil sa kanilang suman sa ibus! Madalas itong ipasalubong at i-merienda kapares ng coco jam, hinog na mangga o kaya naman ng tsokolate baterol.
_2017_05_16_19_08_02_2.jpg)
At ang suman, hindi na lang merienda, pwede na ring ulam! Tikman ang ang suman fusion dish ng isang chef sa Quezon, ang delinong manok stuffed with suman, suman gabi omelette at suman lasagna.
_2017_05_16_19_08_02_3.jpg)
Tutok na ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11 sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap!