ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Genuine Ilokano food stops sa unang anibersaryo ng Pop Talk


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode airing March 20, 2012 10:00PM on GMA News TV 11 Tuloy-tuloy ang pasyalan at pagrerebyu sa Ilocos Norte sa unang anibersaryo ng Pop Talk.  Ngayon naman pupurbahan ang mga genuine Ilokano food stops kung alin sa kanila ang Pop o Flop!   Kasama ni Tonipet Gaba sa chibugang walang humpay ang restaurateur at Ilokano Chef na si Jackie de la Cruz.   Mula sa mga lansangan ng Laoag City ay nahila nila ang mga turistang Ilocano-American na siBrandon Karoll at ang Italian-French na si Heather Foote.   Mga dayuhan man, game na game na nagpakabusog ang dalawa sa pagkaing Pinoy!   Ang una nilang susubukan ay ang mga specialty dishes ng Saramsam Ylocano Restaurant sa Laoag City---mga pizza na may Ilokano twist tulad ng Poque-poque, Pinakbet at Dinardaran.   Pinuntahan din nila ang Dawang’s Place sa bayan ng San Nicolas para tikman ang Imbaliktad, Tinuno at ang masabaw, maanghang-anghang at may kaunting asim na Papaitan.  Huhusgahan din nila ang mga tradisyunal na Ilokano cuisine ng La Preciosa Restaurant sa Laoag City rin na popular para sa kanilang Insarabasab, Bagnet at Dinengdeng.   Isang naimas na kainan at pasyalan ang naghihintay ngayong Martes sa Pop Talk, 10pm sa GMA NewsTV!