ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga Interactive Zoo Adventures, tampok sa 'Pop Talk!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
POP TALK INTERACTIVE ZOO ADVENTURES Airing Date: 25 September 2012   Isa sa all-time favorite na pasyalan ng buong pamilya ang zoo kung saan puwedeng makilala ng mga bata ang sari-saring hayop at halaman at matuto rin tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Nagbago na rin ang mga zoo ngayon, ang mga hayop pwede nang mahawakan at makakulitan!   Papasyalan natin ang tatlong interactive zoo---ang Zoocobia sa Clark, Pampanga, ang Ark Avilon Zoo sa Pasig City, at angParadizoo Farm sa Cavite. Rerebyuhin ang mga ito base sa criteria na ‘fun factor, educational value, at amenities and security.’     Makakasama ni Tonipet Gaba sa tatlong natatanging zoo adventures ang tatlong tsikiting reviewers.  Nariyan ang seven year-old ‘Tropang Potchi’ kid na si Isabel ‘Len-Len’ Frial, ang eleven year-old animal lover na si Hannalee Narra, at si Kevin Kier Remo na nine years old naman. Mag-pop kaya sa mga bata ang tatlong zoo?  Alamin ngayong Martes sa Pop Talk: Interactive Zoo Adventures, September 25, 10PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug