ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kiddie restos, papasyalan ng Pop Talk
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

POP TALK
"KIDDIE RESTOS"
SEPT 03, 2013/Martes/10 PM
Kadalasang ang lakad ng buong pamilyang Pinoy ay may kasamang mga chikiting at nagiging isyu kung saan magandang kumain na papatok sa pihikang panlasa at maikling attention span nila. Naghanap ang Pop Talk ng tatlong "kiddie restos" na naghahain ng masasarap na pagkain at may bonus pang activities at attractions na talaga namang exciting!

Let's eat and play sa Blue Whale Grill sa Frontera Verde, Ortigas na aquatic ang theme kaya enjoy ang mga bata na kumain pagkatapos ng saya sa bumper boats. Pupuntahan rin ang Circus Café sa loob ng Active Fun sa Bonifacio Global City na kilala sa kanilang wood fire brick oven pizza. Dadayo rin tayo sa Big Red Barn sa Filinvest, Alabang para sa chibog at masubukan ang kanilang Playdium.

Makakasama ni Kuya Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang isang mommy at food blogger sa The Tummy Traveler na si Yen Dreyfuss, ang daddy-and-son tandem na sina Matthew at Jake Llamas, at ang Kapuso child star na mapapanood ngayon sa 'One Day, Isang Araw' na si Jillian Ward. Huhusgahan nila ang tatlong kiddie restos base sa criteria na 'food,' 'kiddie factor ng place' at 'price'.

Sasaya at matatakam ang buong pamilya ngayong Martes sa 'Pop Talk: Kiddie Restos', Sept 3, 10 PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular