ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga groundbreaking Pinoy gadgets, isasalang sa 'Pop Talk' review




’PINOY FIRSTS’
March 08, 2014. Sabado. 8:00 PM

 
Proudly Pinoy-made na, ‘Pinoy first’ pa!  Ito ang mga groundbreaking Pinoy gadgets na pantapat sa mga sikat at imported na brand ang rerebyuhin natin. Pero, gaano ba ka-fun at ka-functional ang mga ito?  Alin ang pop o flop?


 
Isasalang sa pagrerebyu ang: STARMOBILE DIAMOND X1 na first Pinoy Octacore Phone na isang phablet na kayang gamitin ang taglay nitong 8 CPU core processors nang sabay-sabay; ang CHERRY MOBILE G1 SMARTWATCH na first Pinoy Smartwatch na relo na, phone pa; at ang TIMBRE HEADPHONES na first Pinoy Headphones na counterpart daw ng ‘Beats by Dr. Dre’ headphones.



Makakasama ni TONIPET GABA sa pagrerebyu ang ating guest reviewers: ang freelance IT consultant na si ANJAY LIM, ang microbiologist at gadget enthusiast na si VON AQUINO; at ang celebrity reviewer na Kapuso actor na si MIKE TAN.  Huhusgahan nila ang tatlong Pinoy-made gadgets sa criteria na  ‘design’, ‘features’ at ‘value for money.’



‘Pop Talk: Groundbreaking Pinoy Gadgets’ ngayong Sabado, sa mas pinaaga at pinahabang oras na 8:00-8:45 PM, sa GMA NewsTV!
Tags: plug