ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

It's a Christmas Blowout on Pop Talk this Saturday


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Ilang araw na lang...Pasko na! Para sa mga hindi pa desidido sa kanilang ihahanda, naghanap ang Pop Talk ng tatlong ‘pop na pop’ na Holiday food na naging mainstay na sa ating hapag-kainan tuwing Noche Buena: ang lechon, morcon, at hamon! Ito rin ang ihahanda natin sa isang espesyal na Christmas Blowout kasama ang mga espesyal na panauhin! Tara, let’s eat! 
 


Tampok na Holiday food ang: Cebu Lechon ng “Ulcing’s The Original Cebu Lechon” sa Taguig City; ang Morcon de Queso de Bola ng “XO 46 Heritage Bistro” sa Makati City; at ang hamon ng “Ben Mauss Meats” sa Cainta, Rizal.

 
Makakasama ng host na si Tonipet Gaba bilang guest reviewers: ang dating ‘child wonder’ na si Nino Muhlach at ang cute niyang anak na si Alonzo Muhlach at ang dating That’s Entertainment Star na si Isabel Granda at ang anak niyang si Hubert.
 
Ang ‘Pop Talk’ ay isang pop culture-review program kung saan pinag-uusapan at nirerebyu kung ano, sino, at saan ang hot, happening at trending ngayon. Tinanghal itong ‘Best Adult Educational Program’ sa 2013 Catholic Mass Media Awards (CMMA).
 
Sama na sa “Pop Talk: Christmas Blowout!” sa December 20, Sabado, 8:00 PM, sa GMA News TV!