ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Cool gadgets para sa summer, kikilatisin ng 'Pop Talk'


 

Mga cool gadgets ngayong summer ang rerebyuhin natin ngayong Sabado sa ‘Pop Talk.’ Gaano ba ito ka-fun at ka-functional? At sulit bang pag-ipunan? Alamin natin kung alin sa mga ito ang pop at flop!

Isasalang sa rebyu ang: SONY XPERIA XZ Smartphone, ang POLAROID SNAP TOUCH Camera, at ang SJCAM SJ6 LEGEND Action Camera.  Makakasama ng host na si Tonipet Gaba bilang reviewer ang tech expert na blogger sa Yugatech Philippines na si Bob Freking, ang Kapuso actor na  si Kyle Vergara, at ang Kapuso actress na napapanood sa ‘Full House Tonight’ na si Bianca Umali.


“Pop Talk: Cool Gadgets for Summer” ngayong Sabado, March 25, 8:00 pm, sa GMA News TV.

 

Tags: pr, plug, poptalk, gadgets