ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Isyu ng urban population, tatalakayin sa 'Reel Time: Siksik-Liglig'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME PRESENTS SIKSIK-LIGLIG
A Documentary on Urban Population Density

Noong huling araw ng buwan ng Oktubre, isinilang si Danica May Camacho bilang simbolikong ika-pitong bilyong sanggol sa buong mundo. Iniluwal siya sa isang bansang may 94 na milyong katao, at sa lungsod kung saan may naninirahang mahigit apatnapung libong residente sa bawat kuwadro kilometro.
Sa isinagawang pag-aaral ng isang prestihiyosong international magazine, napag-alamang ang Maynila ang pinakasiksik na lungsod sa buong mundo. Kabilang din sa listahan ang mga katabi nitong lungsod ng Malabon at Navotas. Pasok din sa ikasampung puwesto ang Tondo, bilang isa sa pinakamataong lugar sa mundo. Salat man daw sa yaman ang Pilipinas, sagana naman ito sa mga yamang-tao. Pero bakit marami pa rin ang mga salat sa kabuhayan at nagsisiksikan sa isang lungsod na tila wala ng espasyo?
Tatalakayin ngayong Linggo ng dokumentaryong Siksik-Liglig ang isyu ng urban population density, para maunawaan natin kung paano nga ba mabuhay ang ilang pamilya ng 'nakabaluktot dahil sa maiksing kumot'. Saan nga ba lulugar ang mga walang-wala, kung wala na rin puwang na natitira pa para sa kanila?
REEL TIME presents SIKSIK-LIGLIG, ngayong Linggo, 8:45 ng gabi pagkatapos ng Good News sa GMA NewsTV Channel 11.
Tags: reeltime, population
More Videos
Most Popular