ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Pidol op da Pipol' sa 'Reel Time'


REEL TIME Pidol op da Pipol Airing Date: July 15, 2012
Tinalakay ng kanyang mga obra bilang artista ang bawat pagsubok ng buhay, at sa nakakatawang paraan, napapawi ng tuwa at saya ang mga hirap at lungkot na dala ng mga problema.  Hatid ng kanyang pagtatanghal ang mga halakhak na walang katumbas na halaga at tila sa kanyang bawat pagganap, nabubuhay ang pag-asa. 
 
Sa harap o likod man nang camera, isang Dolphy ang ating naging kasa-kasama at kaibigang handang umagapay sa panahon ng problema.  Hindi mabilang ang mga taong kanyang naging kaibigan, nabigyang inspirasyon at natulungan.  Hindi matatawaran ang kanyang kabaitang humuli sa paghanga ng karamihan.
 
Ngiti ang hatid ni Dolphy sa ating mga labi kaya naman sa kanyang paglisan luha ay hindi mapawi. 
 
Sa pagsasara ng kanyang telon at sa huling pagkakataon, samahan niyo kaming bigyang pugay ang namumukod tanging Hari ng Komedya.
 
Tunghayan ang mga kwento ng ilan sa milyun-milyong taong kanyang napangiti at nabigyan ng pag-asa.  Kilalanin si Dolphy bilang "Pidol op da Pipol" sa isang espesyal na pagtatanghal ng Reel Time ngayong Linggo ng gabi, 8:45 pm sa GMA News TV. Sundan ang Reel Time sa Facebook at Twitter!