ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kuwento ng batang 'Salat' sa wastong nutrisyon sa 'Reel Time'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME "Salat" Date Re-aired:  August 12, 2012  
Isang bata sa bawat 15 segundo ang namamatay sanhi ng gutom. At kalahati sa bilang ng child deaths sa buong mundo, sanhi rin umano ng kakulangan ng sapat na pagkain.
 
Sa Pilipinas, dalawa sa bawat sampung bata ang undernourished, ito ay ayon sa National Nutrition Council. At ang kapabayaan umano ng mga magulang ang pangunahing dahilan nito. Tulad sa kaso ni Mary Rose.
 
Sa edad niyang sampu, si Mary Rose ang pinakamaliit sa kaniyang klase. Ang kaniyang taas, para lamang sa isang batang limang taong gulang. Ang kanilang inang si Vina ay mag-isa na lang nagtataguyod sa kanilang anim na magkakapatid. Kuntento na lamang umano ang ina sa kinikitang bente pesos sa isang araw sa pagbabalat ng bawang. Ayon kay Vina, matagal nang sanay ang kaniyang mga anak sa noodles na ulam o sa paminsan-minsang hindi pagkain sa gabi.
 
Nadatnan naming umiiyak si Mary Rose dahil wala silang sabong pampaligo. Ayaw niyang pumasok nang hindi naliligo. Ayon kay Vina, inuuna  niya kasi ang pambili ng pagkain kaysa bumili ng sabon para sa kaniyang pamilya. Pero paano na ang pangarap ni Mary Rose na umalis sa aniya nga’y “marumi at magulong lugar” kung lagi siyang liliban sa klase?
 
Tunghayan sa Reel Time Presents “Salat” ngayong Linggo, Agosto 12, sa ganap na 8:45 ng gabi sa GMA News TV.

Sundan ang Reel Time sa Facebook at sa Twitter.