ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Reel Time' presents 'Pinoy si Mister, Imported si Misis'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

REEL TIME presents PINOY SI MISTER, IMPORTED SI MISIS Reel Time’s Valentine Episode  

Love is color blind. 

Dahil sa magkabilang dulo ng mundo, pinagbigkis ni Kupido ang dalawang puso ng magkaparehang ibang-iba ang kinagisnang kultura at bansa. Iyan ang ‘twist’ sa love story ng Pinoy na mister, at ‘imported’ na misis. Saan nadebelop ang wagas nilang pagmamahalan? Kailangan pa bang imemorize iyan? It’s more romantic in the Philippines, ‘ika nga.

 Noli <3 Stacy



Parang larong lawn tennis ang kuwento ng pag-ibig ng Boholanong si Noli at Amerikanang si Stacy. Sa tennis court sila unang nagkita, at hindi nila inasahan na mauuwi sa ‘love set’ ang kanilang pagiging magkabarkada.

Sa Bohol na nagdalaga si Stacy, dahil doon nagtrabaho noon ang mga magulang niya. Nang maging magkasintahan daw sila ni Noli, nagkaroon din sila ng mala-‘aso’t pusang’ mga aberya. Halos malimutan na nga nila ang isa’t isa, lalo na nang bumalik sa Amerika si Stacy para mag-aral ng kolehiyo. Pero nanaig ang pana ni Kupido, at muli silang pinagbigkis ng mga lumang liham nila sa isa’t isa. Kaya’t nang bumalik si Stacy sa Pilipinas, hindi na siya nakawala pa sa mga yakap at halik ni Noli. Sabi nga ni Stacy, ‘our relationship won’t last longer. Because this relationship is forever.’  

 Larry <3 Veronica



Isang misyonerong paring Katoliko si ‘Father Larry’ kung kaya’t kung saan-saan siya dinadala ng kaniyang mga paa at pananampalataya. Hindi niya akalain na sa kaniyang paglalakbay, matitisod niya ang babaeng makakasama niya para bumuo ng pamilya. Chilean national si Veronica, may dugong Aeta naman ng Zambales si ‘Father Larry’. Nagbunga ang kanilang pag-iibigan sa Inglatera, pero naging lihim ang kanilang pagsasama. ‘Bawal na pag-ibig’ para sa ilan, pero ito nap ala ang ‘sign’ na hinihintay ni ‘Father’. Kalaunan, nagpasyang lisanin ni Larry ang simbahang kaniyang pinaglingkuran. Kasama ng mga tribong Aeta, sa isang bulubunduking bahagi ng Zambales sila nanirahan. Tatlo na rin ang anak ni ‘Father Larry’. Patunay lang na kayang hamakin ng lahat, kapag pag-ibig na ang tumama sa puso ninuman.

It’s a date ngayong Linggo, sa Reel Time presents “PINOY SI MISTER, IMPORTED SI MISIS”, 8:45 ng gabi sa GMA NewsTV Channel 11.

Tags: plug