ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Reel Time' presents 'Ginto ng Malarayat'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME
GINTO NG MALARAYAT
Airing Date: March 3, 2013

 
Sa kabundukan ng Malarayat sa Lipa City, Batangas, nakatira si Lolo Inggo, pitumpu't dalawang taong gulang. Mag-isa na lamang siya sa buhay kaya ang yaman ng bundok ang kanya na lamang daw inaasahan. 
 
Batid ni Lolo Inggo na may kakaibang 'ginto' na matatagpuan sa kabundukan. Gintong makakapagtawid sa kanyang pang araw-araw na kabuhayan. Gintong hindi galing sa ilalim ng lupa kundi sa sikmura ng isang uri ng pusa.
 
Kanlungan ng mga civet cat o alamid ang mga masusukal na mga bundok ng Malarayat. Tuwing buwan ng Enero hanggang Marso, namumunga ang mga puno ng kape rito. Ito ang nagsisilbing pagkain ng mga alamid sa panahong ito.
 
Pagdaan ng kape sa kanilang mga tiyan, ang noo'y ordinaryong kape, nagiging espesyal. Kaya naman ang kanilang dumi, ginagawang kape.
 
Dumi kung tutuusin pero animo'y ginto kung ituring. Ito kasi ang itinuturing na pinakamahal na kape sa buong mundo. Kaya naman ang mag-asawang sina Lucena at Manolo, desidido ring makuha ang mga 'ginto' ng Malarayat. Ito lamang daw ang kanilang inaasahan para maitaguyod ang kanilang pamilya. Gaano man daw kahirap, wala raw bundok na makakaharang sa kanilang paghahanap.
 
Kapalit ng halagang malaki, handa ka bang mamulot ng dumi?
 
Tahakin ang masukal at malayong paglalakbay para akyatin ang kinaroroonan ng mga duming ubod ng mahal at tunghayan ang mga buhay na umaasa rito.
 
Lasapin ang pambihirang kape ngayong Linggosa Reel Time 8:45 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.