ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time' presents: Laro
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REEL TIME presents Laro
January 19, 2014
8:00 pm sa GMA NEWS TV

8:00 pm sa GMA NEWS TV

Ang Pilipinas ang ikaapat sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming bilang ng mga batang napapasok sa prostitusyon. Sa katunayan, ayon sa isang pag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, ang prostitusyon din ang ikaapat na pinakamalaking pinagkukunan ng gross national product o GNP ng bansa.
Isa sa mukha ng prostitusyon ang batang si “Anna”. Sa edad na 13 taong gulang, dapat sana’y sa pag-aaral at paglalaro nauubos ang kaniyang oras. Ngunit ayon sa kanya, dalawang taon na mula nang huli siyang maglaro kasama ang kanyang mga matalik na kaibigan. Hindi na raw kasi paglilibang ang nasa isip niya kundi kung paano mapapakain ang lima niyang nakababatang kapatid.
Hindi man nakikipaghabulan, tagu-taguan, o chinese garter sa ibang bata, ibang laro pala ang pinagkakaabalahan ni Anna sa gabi. Upang kumita ng pera, iniaalok ni Anna ang kaniyang serbisyo sa mga lalaki para sa panandaliang aliw. Sa halagang P150 kada isang customer, nagkakaroon ng pag-asa si Anna na mapapakain ang mga kapatid na napababayaan ng kanilang mga magulang na sadlak sa bisyo. Ang malaking parte ng kaniyang kinikita, ibinibigay naman niya sa kanyang ina na sa kasamaang-palad, ginagastos lang sa droga. Gustuhin man niyang mabilhan ng mga damit at laruan ang mga kapatid, upang ‘di tulad niya ay maranasan nila ang maging ganap na bata, kailangan niyang unahing bumili ng ipanglalaman ng kanilang mga sikmura.
Sa loob ng dalawang taon, nakikipaglaro si Anna sa apoy na sumunog sa kaniyang kamusmusan. May pag-asa pa kaya ang isang gaya niyang tila malupit na pinaglaruan ng kapalaran? Panoorin sa Reel Time presents “Laro”, Linggo, Enero 19, ika-8 ng gabi sa number 1 news channel sa bansa—GMA News TV Channel 11.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular