ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time' presents: Mananakbo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Reel Time
Mananakbo
February 23, 2014
8PM, GMA News TV
#DiretsoAlasOtso

Nabubuhay sila para tumakbo at tumatakbo sila para mabuhay.
Itinuturing ng tatlumpung taong gulang na si Susan Jemutai na talento ang pagtakbo. Naniniwala siyang dadalhin siya nito sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngayong taon, sa Pilipinas siya inihatid nito. Isang Kenyan si Susan. Apat na taon na ang nakakaraan nang lisanin niya ang Kenya upang makipagsapalaran. Hangad ni Susan ang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang mga naiwang magulang at kapatid sa Kenya. Hindi raw sapat ang kanyang kinikita bilang serbedora sa isang restaurant sa kanilang bansa.
Kilala sa mundo ang pagiging mabibilis ng mga Kenyan runner. Halos sa bawat marathon nga raw na kanilang salihan, malaki ang tsansa na ang mag-uuwi ng premyo ay isang Kenyan.
Triple ang halaga ng napapanalunan sa mga marathon kaysa sa kanilang kinikita sa Kenya. Kaya ang tatlumpu’t walong taong gulang na si Benjamin Kipkazi, isa ring Kenyan, sa pagtakbo na nakita ang ikagiginhawa ng buhay ng kanyang pamilya. Magsasaka sa Kenya si Benjamin. Isang beses sa isang taon lamang sila mag-ani sa kanilang bansa kaya mahirap daw matustusan ang pangangailangan ng kanyang tatlong anak na naiwan sa Kenya.
Linggu-linggo ay sumasali ng marathon sina Susan at Benjamin at lingu-linggo rin silang nag-uuwi ng premyo. Wala pa nga raw silang sinalihang karera sa Pilipinas na hindi sila nakapag-uwi ng premyo. Para sa kanila, kabuhayan na nila ang pagtakbo.
Ganito rin sana ang gustong marating ni Marcelo, isang Pilipinong runner mula sa Baguio. Ipinaampon at lumaki sa hirap si Marcelo. Hindi na siya nakapagtapos ng pag-aaral at maagang nagbanat ng buto. Isang janitor sa Baguio, hindi naging hadlang bagkus ay nagsilbi pang inspirasyon kay Marcelo ang kakulangan sa buhay para tumakbo. Hangad niyang makilala sa larangan ng pagtakbo at makarating sa iba’t-ibang bansa para tumakbo at manalo. Naniniwala kasi si Marcelo na mas kikita siya sa pagtakbo at dito siya aasenso.
Hingal man at pagod, tulad nila tayong tinatahak ang karera ng ating mga buhay. Ang bawat hakbang ay paghabol sa pangarap. Ang bawat hakbang ay pag-usad mula sa nakaraan. Sino kaya sa kanila ang mauuna sa finish line?
Mula norte sa Baguio hanggang sa Queen City of the South, sa Cebu, sabay-sabay tayong tumakbo sa #DiretsoAlasOtso ngayong Linggo sa GMA News TV. Reel Time ang starting line ng mga pelikula ng totoong buhay at sa Linggo ng gabi, pagpatak ng alas otso —ready, set, go! Tutukan sina Susan, Benjamin at Marcelo hanggang finish line.

More Videos
Most Popular