ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Reel Time' presents: 'Ang Misteryo sa Parola ng Malabrigo'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AIRING DATE: July 13, 2014
AIRING TIME: 8:00 p.m.



Ang mga parola ay maituturing na mga piping saksi sa ating kasaysayan. Bukod sa tanglaw nitong taglay para sa mga mandaragat, naging pugad din daw ito ng mga kuwentong kababalaghan!

May mahigit tatlumpung parola sa Pilipinas at isa sa mga itinayo ng mga Kastila noong 1896 --- ang Parola ng Malabrigo sa Lobo, Batangas. Sintibay nga raw ng mga adobe nito ang pinagdaanan ng mismong parola mula pa sa mga panahon ng Kastila maging hanggang sa giyera ng mga Hapon.

Pero ang dating nagbibigay ng liwanag, ngayo'y nababalot na ng madilim na kuwento ng nakaraan.

Isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng pangkasal daw ang nagbabantay sa parola.Ito rin daw ang laging nagpapakita sa mga turista at nananakot maging sa mga tagabantay ng parola. Ano kaya ang dahilan ng kanyang pagmumulto?

Para mabigyang-linaw ang mga misteryong ito, tinanggap ng isang paranormal investigator at travel photographer ang aming hamon na ikutin at pag-aralan ang Parola ng Malabrigo.

Sa kanilang pag-iikot sa tulong ng isang “spirit box”, nakausap pa raw nila mismo ang sinasabing nagmumulto sa parola. Kanino kayang mga boses ang nasagap sa lugar? Matutuldukan na kaya ang mga misteryo sa parola ng Malabrigo?

Pagkagat ng dilim, alas-otso ng gabi, sabay-sabay nating panoorin ang Reel Time presents "Ang Misteryo sa Parola ng Malabrigo" sa GMA NEWS TV 11!
Tags: plug