ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time' presents 'Mga Henyong Yagit'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

REEL TIME PRESENTS
“Mga Henyong Yagit”
Airing Date: August 10, 2014
Sa mga subjects sa eskwelahan, pinangingilagan mo rin ba ang Math?
Sa huling pag-aaral ng Department of Education nasa ika-41 puwesto lang ang Pilipinas sa 45 bansa sa Asya pagdating sa Math proficiency.
Samantalang sa buong mundo, nasa ika-115 puwesto lang ang mga Pinoy mula sa listahan ng 142 bansa pagdating sa husay sa aritmetik.
Pero hindi ata napabilang sa listahang ito ang mga batang sina Argie at Joel, parehong labing isang taong gulang.

Dahil maagang namulat sa paglalako at pagbebenta ng chicharon sa paligid ng University of Sto. Tomas, nahasa sa pagkwenta ang mga bata. At nang kakitaan pa ng mga Engineering at Commerce student ng hilig sa numero, tinuruan nila sina Argie at Joel ng mas mahirap na aralin sa Matematika.
Kilala na sila ngayon bilang mga Henyong Yagit.
Gayunpaman hindi pa rin ligtas ang mga bata sa totoong mga aral ng buhay. Lalo pa’t ang kanilang paaralan, ang mga kalye ng Maynila.
Nariyan ang kanilang araw-araw na pag-iwas sa mga Solvent Boys ng kalye P.Noval at pagdating ng gabi ang paghahanap nila ng masisilungan at magiging pansamantalang tirahan sa bangketa ng kalye Oroquieta.


Ang mga leksyon na matutunan natin sa mga batang ito mapapanood sa Reel Time presents HENYONG YAGIT ngayong AGOSTO 10, Linggo, alas 8 ng gabi sa Number 1 news channel sa bansa --- GMA News TV Channel 11.
Tags: reeltime, mathwizard
More Videos
Most Popular