ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'The Boy Who Cried Books' tampok sa 'Reel Time'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

REEL TIME: THE BOY WHO CRIED BOOKS
Sunday, March 8, 2015
8:00 PM sa GMA News TV
Nasubukan mo na bang maglako at magtinda sa kalsada? Si Justin, 19 anyos, kahit lumaki nang nakaranas ng marangyang buhay, hindi nangiming magtinda sa kalsada upang kumita ng pera. Ngayong taon, natigil siya ng pag-aaral at nawalan ng matitirhan kaya naisipan niyang magtinda ng mga libro upang suportahan ang kaniyang sarili.
Sa halagang P2,000 na natira sa kanyang bulsa, naglako ng honey si Justin sa Cubao at Tomas Morato. Makaraan ang ilang araw, naisip niyang hindi siya tatagal sa ganitong pagkakakitaan dahil sa bigat ng mga bote ng honey na kailangan niyang bitbitin habang naglalakad. Dahil lumaking mahilig sa mga libro, naisipan niyang mga second hand book na lang ang ibenta niya. Gamit ang puhunang P4,000 (mula sa kapital at tubo sa paglalako ng honey), namili ng mga libro si Justin at itininda sa isang kanto sa Tomas Morato.

Bukod sa kasipagan at katalinuhan, isa sa mga tumawag ng pansin sa publiko ang pag-amin ni Justin na mayroon siyang bipolar disorder. Ang bipolar disorder* ay isang kundisyon kung saan may hindi normal na bilis ng pagbabago ng mood, energy, at activity levels ang apektadong tao. Nagagamot ang bipolar disorder at ang mga taong meron nito ay maaring mamuhay nang normal at matagumpay.
Sa kaso ni Justin, isa umano ito sa maaaring naging dahilan kaya maraming tao ang hindi nakaunawa sa kaniya noon. Ilang beses ding tinangka ni Justin na magpakamatay noon pero ngayon, determinado na umano siyang labanan ang kaniyang kundisyon at maging matagumpay sa buhay.
Pero bakit nga ba siya tinawag na “The Boy Who Cried Books”? Alamin ang kuwento ng libro ng buhay ni Justin at ng iba pang taong may bipolar disorder sa Reel Time ngayong Linggo, March 8, alas-8 ng gabi sa GMA NewsTV.
*Para sa iba pang kaalaman ukol sa bipolar disorder at upang lubos na maintindihan ito, sumangguni sa isang espesyalista.
More Videos
Most Popular