ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
The myths and truths about obesity
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
"Reel Time" airs every Sunday, 9:00 PM, on GMA News TV. For more information, follow the show on Facebook and Twitter. For updates on your favorite documentaries, follow also the official Facebook page of GMA Public Affairs.
Porke't mataba, matakaw na agad?
Nasa lahi raw ang pagiging obese?
Insecure at frustrated daw sa katawan ang matataba?
Porke't mataba, obese na ring matatawag?
Ilan lang 'yan sa mga maling akala tungkol sa obesity. Ayon kay Ellen Ruth Abello na mula sa National Nutrition Council, hindi lahat ng mataba ay obese, mayroon ding mga overweight lang.
"So, 'pag sinabi nating overweight isang tao, kung tatagalugin natin siya, mataba 'yung isang tao. Meaning, 'yung kaniyang timbang ay lumampas doon sa normal na range ng timbang na dapat nandoon siya. 'Pag sinabi namang obesity, ito na 'yung 'pag tinagalog natin ay matabang-mataba. So, ibig sabihin, ito na 'yung resulta ng accumulation ng fat overtime. May posibilidad na may effect na siya sa kalusugan ng tao," pagpapaliwanag ni Abello.
Marami ring naniniwala na nasa lahi ng pamilya ang obesity, pero hindi raw ito totoo ayon kay Abello.
"May isang myth o paniniwala na kaya raw mataba 'yung isang bata ay dahil nasa lahi. Sinasabi nila na, kaya 'yan mataba kasi tingnan mo nanay niya, mataba. Tingnan mo tatay niya. Tingnan mo si lolo't lola mataba rin. Pero hindi siya totoo. Nade-develop kasi 'yan e. Kung paano ka inalagaan or [kung ano ang] ipinakain sa'yo ng mga magulang mo habang lumalaki ka, 'yung pag-aalaga, 'yun ang magde-develop [sa'yo ng obesity]. So, 'yung pagiging mataba ay hindi 'yan dahil sa lahi. 'Yan ay nabubuo ng food choice. Food choice ng individual at saka ng environment na kaniyang ginagalawan."
Alamin sa infographic na ito ang ilan pang maling paniniwala tungkol sa sobrang katabaan, at ang mga katotohanan tungkol dito.

---Annalyn Ardona/BMS

Tags: webexclusive, obesity
More Videos
Most Popular