ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Lolang grade 6 student at contortionist, kikilalanin sa 'Reel Time'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
"LIBRADA"
Airing date: August 9, 2015

"Ano ang gusto mo paglaki?," 'yan ang madalas na itinatanong sa mga bata. Pero kung ang 79 taong gulang na si Librada Gamal sa Barangay Buhian, Lungsod ng Cebu ang uusisain, walang pagdadalawang-isip niyang ikukuwento na nais niyang maging nurse. Batid niyang matanda na siya para matupad pa ito, pero hindi raw edad ang naging hadlang para matupad ito, kundi ang kawalan niya ng diploma mula sa eskuwela.
Kaya noong taong 2010, sa tulong ng mga guro at estudyante sa Tisa II Elementary School, pumasok si lola sa paaralan para mag-aral. Hindi siya noon marunong magbasa at magsulat, kaya naman hindi naging madali ang kaniyang pagkatuto. At habang nagsusunog ng kilay, sabay rin siyang nagbabanat ng buto.
Nasa pangangalaga ni Lola Librada ang labing-isang taong gulang niyang apo. Hindi pumapasok sa eskuwela si Jomar, dahil wala raw siyang interes sa pag-aaral. Pero pagdating sa bahay, matiyagang tinuturuan ni Lola Librada ang apo na magsulat ng pangalan, at magbasa ng mga salita. Animo'y nurse siyang nag-aalaga sa batang tanging kasama niya sa buhay.
Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ni Lola Librada na ibang mundo ang paaralan - kung saan nakikita siyang masaya at tila walang problema. Pagdating sa bahay, tila nahuhubdan siya ng maskara na tumatakip sa tunay niyang nararamdaman.
Sinasalamin ni Lola Librada ang pagnanais na matuto sa kabila ng mga sangandaan. Pero sa kuwento ng kaniyang totoong buhay, mas marami tayong matututuhan. Ngayong Linggo, sundan ang buhay ni "Lola Librada" sa dokumentaryo ng Reel Time, sa bago nitong oras, 9 PM, sa GMA News TV, pagkatapos ng Kings of Restoration.

Tags: prstory
More Videos
Most Popular