Kampanya ni Digong kontra droga, tatalakayin sa 'Reel Time'
_2016_08_16_19_13_12.jpg)
Reel Time presents
Maling Akala
Karapatang Pantao at ang Laban sa Droga
Nagmula mismo sa bibig ng pangulong iniluklok ng mahigit 16 na milyong Filipino, "My order is shoot to kill you. I don't care about human rights".
Nakaagaw ng atensyon sa buong mundo ang matapang at radikal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pinaigting pang mga programa kontra sa ilegal na droga. Nagbunga raw ng tinatawag na 'state-inspired extrajudicial killings' o walang habas na pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa masamang bisyo ang mga binitiwang salita ng pangulo.
Pero umaalma ang ilang pamilya ng mga naulila. Lalo na iyong mga walang-wala. At sinasabing mga walang sala.
Bala at pulbura nga ba ang sagot sa malalang problema ng bansa tungkol sa droga?
Ngayong Linggo ng gabi, inihahandog ng Reel Time ang dokumentaryong tatalakay sa mga kaso ng umano'y extrajudicial killing at ang kampanya ni Digong kontra droga, "Maling Akala" ngayong Sabado, 9PM pagkatapos ng Taste Buddies sa GMA NewsTV Channel 11.
Makilahok sa diskusyon! Gamitin lamang ang #MalingAkala sa social media.