ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Online parenting, tatalakayin sa mobile documentary ng ‘Reel Time’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 

REEL TIME presents Pamilya LDR

Ding! Ding!

Pop! Pop!

Excited ka ba laging i-check ang message box mo? Nakaabang ka rin ba sa video call nina Mommy at Daddy? Nasa LDR o long distance relationship ka rin ba sa iyong mga magulang? Kung oo, maaaring isa ka sa mahigit siyam na milyong kabataang Pilipinong anak ng overseas Filipino workers o OFWs.

Kung dati ay sulat at telepono lang ang paraan upang makausap ang iyong mga magulang na nasa abroad, ngayon ay high-tech na. Gamit ang computer o smartphone, sina Mommy at Daddy ay one click away na lang! Tuluyan na ngang nabago ng teknolohiya ang relasyon ng mga magulang na OFW at ng kanilang mga pamilyang naiwanan sa bansa.

Uso na ngayon ang tinatawag na ‘online parenting’, kung saan mas nagagampanan na umano ng mga ina at ama ang kanilang mga responsibilidad bilang magulang sa kanilang mga anak. Ang mga remittance ay napaunlad ang buhay ng maraming mga Pilipino habang ang Internet naman ay napabuti ang relasyon sa pagitan ng mga OFW at ng kanilang pamilya.

Pero ayon sa mga eksperto, nararapat pa ring pagtuunan ang ‘social cost’ ng migration, lalo na sa mga kabataan. Sapat nga ba ang video calls at chat messages upang mapunan ang kakulangang dulot ng pagkakalayo? Ano nga ba ang kabayaran ng paghahangad ng ika nga ay ‘greener pasture’ o ng mas maunlad na kinabukasan para sa mga anak?

Turn off chat at end call muna sa Sabado, September 24, 9:15 ng gabi at i-profile ang makabagong pamilyang Pilipino sa Reel Time Presents Pamilya LDR. At sa kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon, tunghayan ang isang dokumentaryong kinunan sa pamamagitan ng mobile phones bilang bahagi ng panata ng GMA News TV sa paghahatid ng mga makabago at makabuluhang kuwento. XOXO.