Mga bigating beauty queen, rarampa na sa 'Reel Time'
REEL TIME
presents
BIGATING BEAUTY QUEEN
ngayong Sabado, 9:15 ng gabi sa GMA NewsTV
_2017_02_11_05_33_14.jpg)
“Good evening, ladies and gentlemen! My name is Catherine Solis, from Barangay Addition Hills, Mandaluyong City!”
Dumagundong ang masigabong palakpakan at hiyawan sa entabladong itinayo sa harapan ng Mandaluyong City Hall, nang lumabas na ang mga ‘bigating’ kandidata ng Bilbiling Mandaluyong 2017.
Pinakabeterana ng patimpalak ang 42 taong gulang na si Cathy. 230 lbs ang timbang niya ngayon, pero hindi ito naging hadlang para maging beauty queen sa kanilang lugar. Kakaiba nga ang Bilbiling Mandaluyong sa ibang patimpalak pagandahan dahil sa halip na hubog ng katawan, timbang ang nagiging batayan para sa kokoranahan at mag-uuwi ng isandaang libong pisong premyo.
Batid ni Cathy na hindi lang siya ang naghahangad manalo sa gabing iyon. Nariyan ang 210 lbs na si Beverly, na kapwa niya beterana na rin sa patimpalak. Ayaw na sana niyang sumali pa sa Bilbiling Mandaluyong, pero dahil may brain tumor ang kaniyang ina at maselan ang lagay ng puso ng kaniyang kapatid, sisikapin niyang maiuwi ang korona.
Nalulunod ng saya at tawa ang gabi ng talent competition sa Bilbiling Mandaluyong. Pero sa likod ng mga tili at palakpakan, may mga kuwento ang mga kandidata, na hindi kailanman nasasagot sa Q&A portion nang 30 segundo.
Saksihan ang coronation night ng beauty pageant para sa mga hebigat, "BIGATING BEAUTY QUEEN", sa Reel Time ngayong Sabado ng gabi, 9:15 PM pagkatapos ng Taste Buddies sa GMA NewsTV Channel 11.