ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
KILAY IS LIFE!

'Kilay tips' from Kyline Alcantara, handog ng 'Reel Time'


Reel Time presents “Kilay is Life”

Bago lumabas ng bahay, hindi puwedeng sablay ang kilay! Because as they say, ‘Kilay is Life!’, lalo na sa mga kababaihan.

According to scientists, ang kilay ang sinasabing pinakaimportanteng feature ng ating mukha, dahil bukod sa pinoprotektahan nito ang mga mata mula sa dumi at pawis, nagsisilbi rin itong uri ng non-verbal gesture na nagpapahayag ng emosyon ng isang tao.

Pero, paano nga kaya kung mawala ang iyong kilay? Anong epekto nito physically and emotionally? Maa-achieve pa ba ang #KilayGoals?

Ngayong Sabado, bibida ang kilay at ang mga taong nagpapatotoo sa kasabihang ‘Kilay is Life.’ Samahan sa kilay session ang aktres na si Kyline Alcantara, at ang aesthetics pigmentation artist na si Edwin Pranada na nagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga may alopecia. Isa sa mga tinulungan ni Edwin ay ang caregiver sa US na si Carmina Vicente-Lyons na tatlong taon nang pinahihirapan ng alopecia.

Reel Time presents ‘Kilay is Life’ ngayong Sabado, May 12, 2018, 9:15 pm sa GMA News TV.