Minimalist lifestyle ng isang Pinoy, tampok sa 'Reel Time'

REEL TIME PRESENTS LESS IS MORE
JUNE 23, 2018
Kaya mo na bang mag-let go? Eh ang bumitaw at itapon ang lahat ng kalat ng nakaraan? Teka, hindi love life ang pinag-uusapan natin mga Kapuso!
Ang 35 years old na si Ace, tatlong taon nang nabubuhay sa lifestyle na kung tawagin ay minimalism. Nabubuhay siya na ang gamit niya ay nasa tatlumput anim na piraso lang. Kabilang dito ang mga damit at accessories na ginagamit niya sa kanyang mga lakad at trabaho. Sa kanyang condo unit, apat na appliances lang ang present at wala siyang telebisyon! Kaya naman ang binabayaran niya sa kanyang kuryente --- zero!
Pero aminado si Ace na hindi lang sa mga materyal na bagay siya nagiging minimalist. Ang kanyang bonding with friends --- minimal na rin daw! Sa halip kasi na gumastos sa gala at mga lakad, iniipon na lang daw ni Ace ang kanyang pera para sa kanyang hobby na photography. But wait there’s more, sa pagkuha ng litrato, tipid din daw si Ace. Kung para sa karamihan, mas bet nila ang digital photography --- mas click pa rin daw sa kanya ang paggamit ng film cameras. Mas bilang daw kasi niya ang kuha ng bawat litrato.
Ang college student naman na si Mik, kabaligtaran ni Ace! Ang laman kasi ng kanyang close, sandamakmak na mga jacket, blouse, pantalon at skirt! Never nga rin din daw siyang umulit ng swimsuit sa tuwing siya ay pupunta ng beach. Kaya naman more gastos daw ang lifestyle ni Mik. Pero kayanin kaya niyang magbawas ng gamit? Anu-ano nga kaya ang mga bagay na never niyang ile-let go?
Hindi namin kayo titipirin dahil marami kayong matututunan sa Reel Time presents Less is More, ngayong Sabado, 9:15 PM sa GMA News TV 11!