ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Teenage pregnancy rate sa Pilipinas, sisiyasatin sa 'Reel Time'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

REEL TIME PRESENTS BAHAY-BAHAYAN
Airing date: November 17, 2018


Dose anyos lang noon si Julie Anne nang makunan siya nang tatlong beses sa loob ng isang taon. Sa ngayon, labinlimang taon na siya at may isang anak. At muli na namang nakunan nito lamang nakaraang Hulyo. Ayon kay Julie Anne, ayaw na niyang magbuntis ulit. Pero ang partner niyang si Jepoy, 17 anyos, gusto pa raw ng isang anak.

Ang kuwento ni Julie Anne ay isa lamang sa mga nakababahalang kuwento ng mga teenage pregnancy sa bansa.

Habang pababa ang teen pregnancy rate sa karamihan ng mga bansa, pataas naman sa Pilipinas. Ayon sa mga pag-aaral, nasa 500 na teenager na Pilipino ang nagiging ina araw-araw. Ayon naman sa pinakabagong National Demographic and Health Survey (NDHS 2017) ng Department of Health, nasa siyam na porsiyento ng mga batang edad 15-19 ang may anak na. Kung ikukumpara sa ibang mga bansa sa Timog Silangang Asya, doble ang bilis ng pagtaas ng bilang sa Pilipinas. At ang mga numerong ito ay indikasyon umano ng malaking problema para sa bansa.

Ngayong Sabado, kilalanin natin ang batang pamilya ni Julie Anne bilang repleksiyon ng kalagayan ng teen pregnancy sa Pilipinas, sa Reel Time Presents Bahay-bahayan, 9:15 ng gabi sa GMA News TV.