Filtered By: Newstv
NewsTV

Sports buff Rocco Nacino sa 'Sports Pilipinas'


SPORTS PILIPINAS Airing date: July 1, 2012 Sunday, pagkatapos ng News TV All Sports
 
CHINO TRINIDAD ONE-ON-ONE: MARK BARRIGA
Nakaharap ni Chino Trinidad ang kaisaisang boksingerong kakatawan sa Pilipinas sa darating na London Olympics.  Kilalanin si Mark Barriga, 18-yrs old na tubong Davao at umaasang makamit ang unang Olympic Gold Medal para sa Pilipinas.
 
PINOY PADYAK CULTURE
Karamihan ng mga Pinoy ay nahuhumaling sa pagbibisikleta, hindi lang bilang ehersisyo ngunit isang lifestyle na din.  Alamin kung ano ang iba’t ibang "bike tribes" sa syudad, at kung paano naapektuhan ang kanilang pang-araw araw na buhay ang pagbibisikleta.
 
NBA - WE LOVE THIS GAME!
Bago pa man napanalunan ng Miami Heat ang kakatapos lang na NBA Championship, hindi maitatanggi na sikat na sikat ang NBA sa mga Pinoy.  Makikilala ang ilan sa pinaka “fanatic” sa liga na ito.
 
ROCCO NACINO: SUPERSTAR SPORTS BUFF
Ang baguhang si Rocco Nacino ay kilala bilang isa sa up and coming leading men ng Kapuso Network, but di karamihan ang nakakaalam na mahilig din sa sports ang dating nurse na ito.
 
BEST RUNNING ROUTES IN MANILA
Alamin ang pinaka sikat na running routes para sa mga mahihilig tumakbo.
 
Lahat nang ito kasama si Chino Trinidad at Isabel Oli sa SPORTS PILIPINAS, 11:15 am, pagkatapos ng News TV All Sports.
 
Tags: plug, rocconacino