Kilalanin ang PBA legend na si Ronnie Magsanoc sa 'Sports Pilipinas'
Pupunuin na naman ng namin ng aksyon ang inyong Linggo ng umaga dahil maliban sa mga kuwentong sports, may bonus pa kaming one-on-one! Dito lang 'yan sa Sports Pilipinas! ONE-ON-ONE: RONNIE MAGSANOC Makaka-one-on-one ni Chino ang isa sa legends ng basketball dito sa bansa. Isa siya sa 25 greatest players ng PBA at isa na ngayong successful college coach. Abangan ang aming interview kay Ronnie Magsanoc! LANCE ARMSTRONG – INAMIN NA GUMAMIT NG PERFORMANCE ENHANCING DRUGS Isang alamat sa mundo ng cycling si Lance Armstrong na siyang nanalo ng pitong magkakasunod na titulo sa Tour de France sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa testicular cancer. Nitong 2012, napatunayang gumamit si Armstrong ng mga ipinagbabawal na sunstance na siyang nagpalamang sa kanyang laban. Aalamin ang saloobin ng mga Pinoy na siklista sa pagbagsak ng kanilang idolo. BABY SWIMMING 101 Patok na sport talaga sa mga Pinoy ang swimming. Nakapag-cardio workout ka na, enjoy pa. Ang maganda pa, mga Kapuso, halos kahit anong edad, puwedeng matuto, kahit pa ang mga baby! Samahan niyo si Isabel sa isang cute na cute na session ng baby swimming! TRAIL BIKING SA BINAGONAN Ang mga biker partner laging maghahanap ng bagong trail. May na-discover kaming bagong trail kasama ang Binangonan Biking Club na malapit lang sa Maynila! Lahat ng 'yan at iba pa, ngayong Linggo sa Sports Pilipinas, 11:15 AM sa GMA News TV.