ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Japeth Aguilar, Paeng Nepomuceno, at Eugene Torre tampok sa Sports Pilipinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ONE-ON-ONE: JAPETH AGUILAR



Noong 2012, sumabog ang balita na may isang Pinoy na malapit na sa kanyang pangarap na makalaro sa NBA kasama ang San Antonio Spurs at Golden State Warriors. Bagamat hindi natuloy ang kanyang pagpasok sa pinaka-mahirap na basketball league sa mundo, ngayon,  siya ang bagong mukha ng Barangay Ginebra. Susunod kaya sya sa yapak ng mga magagaling na sentro tulad ni Marlou Aquino at EJ Feihl?

Aalamin ng Sports Pilipinas host Chino Trinidad sa kanyang one-on-one kasama si Japeth Aguilar.


GURANG GYMNASTICS KASAMA SI RYZA CENON

Hindi lang pala pambata ang gymnastics; pwede rin pala ito sa mga young at heart! Samahan niyo si Kapuso star Ryza Cenon sa kanyang pagsubok ng "Gurang Gymnastics" kasama ang isang grupo ng retired gymnastics coaches at enthusiasts na talagang may asim pa sa mat.


EUGENE TORRE: CHESS KING

Alam niyo ba na Pinoy ang kauna-unahang grandmaster ng chess sa buong Asya?  Ito ay ang Chess King na si Eugene Torre, na ang hangarin ay mas mapalaganap pa ang chess sa kabataang Pilipino.


SEAN GRANADA: TIGER WOODS NG PILIPINAS

Sabi nga ng ating Pambansang Bayani, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." At sa larangan ng golf, may bagong pag-asa ang Pilipinas,  Biruin nyo, sa murang edad na walong-taong gulang, 29 tournaments na ang kanyang napanalunan - kabilang na diyan ang US Kids Golf Championship!

Kilalanin ang "Young Tiger Woods ng Pilipinas" na si Sean Granada.

---

Lahat ng 'yan, mapapanood ngayong Linggo sa "Sports Pilipinas," 11:15 AM sa GMA News TV.