advertisement
Filtered By: Newstv
NewsTV

Rachelle Ann Daquis: 'I live to inspire people.'


As the popularity of Philippine volleyball grows, so does that of the sport's star athletes. Volleyball players now have tens of thousands of fans on social media, and those numbers continue to grow. Perhaps the most admired and most followed of all of them is FEU’s Queen Tamaraw, Rachelle Anne Daquis. Her prowess on the volleyball court has earned her the love and respect of volleyball enthusiasts.

"Sports Pilipinas" host Chino Trinidad interviewed the newly-dubbed "face of Philippine volleyball" about her fans, her career, why she has stayed in the country while her family is in Germany, and her hopes for the future of Philippine volleyball.



Read the full transcript below:

-----

Chino Trinidad (CT): Itong... hindi na bata eh, ang dalagang ito, kahit na sabihing isa siyang, pwede ba nating sabihin na halimaw ka sa loob ng volleyball court? Pwede na ‘no? Parang beauty and the beast, bakit ho ganoon? Beauty sa labas pero sa court, aba wala hong makatapat dito, ito ho ang face ng Philippine volleyball, si Ms. Rachel Anne Daquis, dito sa ating one-on-one. Sandali muna, ilang beses ka nang nagsasabi na ito na yung last year mo, ito na ‘yung last year mo, bakit nandito ka pa sa Pilipinas?

Rachel Anne Daquis (RAD): Opo, after UAAP sinasabi ko na, "Sige, sige mag-one year pa ako dito sa Philippines. Maglalaro pa ako for Shakey’s V-League, for RP, and then hanggang natatapos 'yung one year na 'yun, sasabihin ko na naman sa mommy ko, 'Another one year, sige na, sige na.' Lagi kong sinasabi kasi para sa akin, ang motto ko, parang nagkaroon din ako ng ano, saying na parang "Strike while the iron is hot.” So parang lagi kong dine-defend ‘yung sarili ko sa mother ko. “Mommy, kahit papano kilala pa ako, nakakapaglaro pa, nakakasabay pa ako sa kanila.” Kaya ‘yun ‘yung laging pinu-push ko kay mommy.

CT: Bakit, ilang taon ka lang ba ngayon?

RAD: I turned 25 noong December.

CT: Ikaw naman, bakit ang haba haba ng career? Pinapatanda mo ‘yung sarili mo. Ano’ng makakasabay? Talagang makakasabay ka pa sa mga ‘yan.

RAD: Gusto kasi ng mommy ko, doon kami...

CT: Ah, kasi may nakikita ang mom mo na better future mo sa Germany. O, pumunta ka ng Germany ‘di ba?

RAD: I played there din naman po.

CT: Ah ganun ba? So competitive ba, pero iba ‘yung nasa Pilipinas?

RAD: ‘Yun nga po.

CT: Nagulat ka ba doon sa, ‘yung volleyball sinusundan na sa UAAP level, pero ‘yung lumaki siya ng grabe, lalo na nitong huli na pinuno ‘yung Araneta, pinuno ‘yung Mall of Asia Arena? Alam mo na darating sa punto na ‘yung volleyball ganoong magiging kasikat?

RAD: Opo, na-imagine na namin, na-predict na namin na magiging, mapupuno din namin ‘yung MOA, ‘yung Araneta, pero siguro parang seven years pa. Pero ngayon, parang mas napaaga siya.

CT: Bakit umaga? Sa tingin mo, bakit biglang pumutok na grabe eh, tsaka ‘yung nanonood hindi porke’t Atenista ka o Lasalista ka, marami pa ‘yung ano eh, outsiders.

RAD: Siguro po dahil din sa tulong ng UAAP at V-league. Kasi nae-expose ‘yung mga bata, so mas dumadami ‘yung followers ng volleyball.

CT: At dumadami fans mo. ‘Di ba, pwede, ito masyadong humble itong batang ito, pero alam niyo ‘pag binuksan niyo ‘yung internet... Kasi ngayon, buti nalang inabot niyo ‘tong... Noong panahon namin, ‘di pa uso ‘yang Wikipedia, ‘yang Facebook, ‘yang Twitter. Ito ho ang number one ‘pag hits ang pagu-usapan niyo, sa lahat ng listahan. Aba, hindi ko alam, hanggang sa ‘pag ano pala, pati ba naman mga stalker meron ka?

RAD: Opo, hindi po nawawala ‘yun.

CT: Anong ginagawa mo pagka ganoon?

RAD: Wala naman po.

CT: Hindi ka… Siyempre pagka alam mo stalker, hindi mo alam, minsan hindi mo alam kung ano mga nasa utak niyan, and yet ikaw pa rin ‘yung nakikita ko, kahit saan ka tumigil diyan, papa-autograph, papa-picture, nandoon ka. Never ka...  na-fear mo na may mangyari sayo?

RAD: Wala, siguro po noong college days, medyo nakakatakot po, kasi medyo dinudumog ka nga ng fans, pero noong years go by, parang hindi na masyado. Nasasanay na po.

CT: Nasanay ka nang may nagii-stalk sayo?

RAD: Hindi naman sila stalker, siguro mga supporters lang.

CT: Mayroon kang magandang sinabi, siguro mga four years, three years o five years back yata, nag-aaral ka pa noon. Sabi mo, kaming mga atleta, sana naman ‘wag isipin na kami puro laro lang. May utak din naman kami. May damdamin din kami. Bakit? Ano ba'ng, sa labas ang itsura, laro lang kayo ng laro, pero ang hindi nila naintindihan ang pinagdadaanan. Ano ba ang pinagdadaanan? Ikaw, at least, graduate ka na diyan eh, pwede ka na magsalita. Gaano kahirap ang buhay ng isang student athlete?

RAD: Siyempre po as a student athlete kailangan mo ng time management eh. Akala nila ‘pag athlete ka lang, parang, "Ay, hindi pumapasok ‘yan kasi athlete ‘yan." Pero ang hindi po nila alam, kami ‘yung nagma-manage ng time, kung paano kami magte-training, paano po kami papasok, paano po kami gagawa ng projects, paano po kami magde-defense. So kami ‘yung nagma-manage ng time namin na hindi alam ng ibang tao na "Uy, ganyan pala ‘yan. Naging top pala sa ganyan ‘yan. May award pala sa ganyan ‘yan." Ang akala lang po ng tao kung ano ‘yung napapanood nila sa TV as an athlete, ‘yun lang ‘yung nakikita nila sa amin.



CT: Kahit saan ka pumunta, acknowledged na ikaw ang face ng Philippine volleyball. Ang bigat yata ng presssure sa’yo niyan miss?

RAD: Hindi naman po.

CT: Ano ba ‘yung, pag sinasabing ganoon, ano ba ang nakikita mong responsibility ng isang katulad mo na hinirang nila as “The Face of the Philippine Volleyball?”

RAD: Siyempre for me po kasi as a player, parang I live to inspire people, lalo na ‘yung mga volleyball enthusiasts talaga. So as much as possible, ‘pag naglalaro ako, pinapakita ko talaga ‘yung best ko para susundan po ako noong mga young athletes, ‘yung mga gusto mag-volleyball.

CT: ‘Yung pinanunood ko noong minsan, open ‘yung V-league, last week ‘yun diba. Unang hawak mo ng bola, magse-serve ka, hindi ako nakarinig ni isang hiyaw. Sa isang babaeng may hawak ng bola na nagdi-dribble na magse-serve ng ganoon, ganoon katindi ‘yung pagtingin nila sa’yo ‘no? ‘Yun ang love na meron sila for you.

RAD: Opo, at saka natutuwa po ako kasi, sobrang tagal ko ng gumraduate sa UAAP, pero ‘yung followers ko po nandoon pa din sila at patuloy pa silang dumadami.

CT: Oo, magugulat ka nga, may gumagawa ng Youtube para sa kanya, dedicated lang sa kanya. Iba ang ano nito eh, kumbaga iba ang pagka-istariray ng babaeng ito eh. Sandali ah, ililipat natin ‘yung istorya muna bago mapalayo. Kulay, kinalakihan mo, actually dapat UST ka, dilaw ‘yon, gold ‘di ba? Napunta ka ng FEU, ang kulay niyo don, dilaw lang o berde. O ngayon, naglaro ka sa asul, hindi ka ba nangangati?

RAD: Hindi naman po.

CT: Hindi, ngayon naka-FEU ka pa, ‘di pinapakita mo ‘yung loyalty mo, pero ano ba para sa’yo ‘yung having to switch, graduate ka na eh, guest player ka, bakit Ateneo ang pinili mong laruan? Marami bang humahatak sa’yo? Kasi diba galing ka ng Army? Oo sa open.

RAD: Open conference, sa Army po ako. Then first time ko pong naglaro sa ibang school, for sa school-based ng V-league.

CT: Pero hindi mo pinalitan ang eskwela mo ah. Ano lang ito ah, dahil guest player ka, para malinaw sa mga nanonood sa atin, ang sinusuot ho niya na asul ngayon ay bahagi ho ng format ng V-league kung saan pwedeng kumuha ang isang collegiate team ng tinatawag na guest player. Pero still, iba pa din ‘yung ‘pag Ateneo ‘yun ‘di ba? Eh kalaban mo dati eh, lumipat ka dito, bakit mo pinili ang Ateneo at bakit ito ‘yung napusuan mong salihan?

RAD: Ah, noong magvi-V-league pa lang po talaga, medyo madami na pong... Hindi naman po madami, may kumakausap po sa’kin para kunin sa ibang team. So ang sinasabi ko po, kasi ang plan ko po talaga ngayong vacation, every vacation ‘di po ba lumilipad ako, so parang nag-aantay lang ako, may hinihintay lang ako na isang project. ‘Pag hindi natuloy ‘yon, lilipad po ako. So habang nag-aantay po ako, medyo nagkakaroon ng labo ‘yung project na inaantay ko so timing naman po na tumawag sa’kin si Coach Roger na kinuha ako for Ateneo.

CT: Dito sa team na ito, ito ‘yung team na may unfinished business doon sa huli. Ano ang dinadala mo? Kasi nakita namin sa labas, iba eh. ‘Pag hawak mo ‘yung bola, ‘pag pumalo ka, talagang halimaw ka sa loob ng volleyball court na ‘yan eh. Ano ba talaga ang dinadala ni Rachel sa isang volleyball game? Ano ‘yung ‘pag pumasok ka diyan, ito, kahit anong mangyari, off night or on ako, dadalhin ko sa loob?

RAD: Pero bago pa po kasi ‘yung V-league eh. Last game ko noon, ‘yung nagpa-practice ako noong may drills, lahat, last year pa, so ako, conditioning lang ako, tumatakbo ako, nag-gy-gym lang ako tapos noong sinabi nga na maglalaro ako for V-league, medyo kahit papano kinabahan, kinabahan na gusto ko magstep-up ako. Kasi, siyempre iba eh. Bago ‘to. Bagong team ‘to. 'Di pa kami gamay. 'Di pa kami ganoon. So siyempre kinakabahan ako. Nagpakundisyon akong mabuti. Ang kinagandahan lang po, nakakapag-coach ako sa Don Bosco kaya nakakapag-drills ako, nakapalopalo ako. So noong kinuha nila ako sa Ateneo, ‘di na din po ako nagdalawang-isip na gumo kasi alam ko din na kaya ko naman sumabay.

CT: So noong time pala na ‘yun nasa ano ka, in a way active rest, noong kinuha mo ‘tong sa ano. Pero hindi competition…

RAD: Pero hindi intense na nagdi-drills, hindi nagwa-one man, two man. Walang ganun.

CT: Pero feeling mo kundisyon ka, maganda ang kundisyon mo na ‘pag inilagay ka diyan, makakapag-compete ka?

RAD: ‘Yun, opo. Kumbaga kaunting adjustment na lang pagdating sa court kaya medyo sabi ko, kaya ko ‘yan kasi every morning tumatakbo po ako, nag-gy-gym po ako, tapos nag-cross training po ako ng badminton kasi hindi ako sanay ng walang sports. Hindi ako sanay na nakahiga lang.

CT: Ang buhay mo sports talaga. Ano bang, saan ka nagsimula bago ka mag-volleyball? Volleyball ba talaga ‘yung primary mo?

RAD: Hindi po, swimming.

CT: Swimming? Tapos?

RAD: Tapos po, may kwento kasi. Noong high school ako, nag-swimming ako, first year, second year. So training ako ng training. Pero pagdating ng competition parang naduwag ako.

CT: Ha? Ikaw naduduwag ka sa competition?

RAD: Siguro more on team sports (ako). Hindi ako ‘yung pang-individual event lang. Mas gusto ko ‘yung may kasama ako, may nagmo-motivate sa’kin. I know may coach sa swimming, pero alam mo, ikaw lang ‘yung magla-laps, ikaw lang ‘yung nandoon. Walang... pagtingin mo, wala kang kakampi sa swimming.

CT: Gusto mo talaga may kasangga ka. Grabe, itong volleyball na ito, masasabi mo na in a way, ito ‘yung tailor fit para sa’yo? Kumbaga ito talaga ‘yung sport na ipinanganak ka para laruin ito, ganoon ba ‘yun? Ganun ba feeling mo?

RAD: Opo, kasi ‘yung parang story noong sa’kin, nag-tryout po ako sa isang university. Hindi po ako nakuha. So pumunta naman po ako sa UST. Wala naman po sila. Nagpunta ako sa FEU. Tapos noong nasa FEU ako, nagmo-model, galing pa po akong fashion show noon, so naka-finger…

CT: So kumpleto pa ‘yung mga kuko mong mahahabang ganoon?

RAD: Naka-french tip pa ‘ko ganoon. Tapos sabi pa ni coach, "Hindii tatagal ‘yan." Kasi ang payat ko na pang-model lang ang katawan. Tapos, pero ‘yun nga po ‘yun na gustong gusto kong matuto, talagang nagpursige akong matuto ng volleyball hanggang sa narating ko po kung ano ‘yung narating ko ngayon.

CT: So hindi automatic. Hindi mo sasabihin na ang skills mo--kasi, di ba, may mga athletes na born to play?--so ‘yung sa’yo, in-acquire mo ang skills na ito?

RAD: Third year, fourth year po ako, naglalaro na po ako ng volleyball. So naging varsity din po ako, tapos. Hindi ko naman po masasabing malakas, kumbaga naging star player din po ako noong high school. Pero pagdating ng college, back to zero po ako. ‘Yun ‘yung nangyari po sa akin na pumupunta po ako sa isang tabi sa gym, alam po ni Coach Kid ‘yan, na parang naiiyak ako kasi ‘di ako makapalo.

CT: Bakit na-zero? Eh, kung third year at fourth year ka mataas ang level mo, siyempre ga-graduate ka lang sa college di ba, bakit? Nawala ang kumpiyansa mo sa sarili mo?

RAD: Hindi naman po. Hindi ko rin alam. Mayroon din daw po kasing nangyayaring ganoon na pagdating mo ng college, hindi na nagiging ganoon ‘yung laro mo. Kumbaga ibang level na po kasi ‘yun. Ganoon po ‘yung nagyari sa akin. Pero kumbaga, ‘yung nangyari sa’kin ‘yun na hindi maganda--di nga po ako makapalo--sa’kin zero talaga ako. Pumasok sa isip ko na, "Hindi. Hindi ako papayag. Gusto ko ‘to. Gusto kong makatulong sa family ko, para makakuha ako ng scholarship." Kaya talagang nagpursige po ako.



CT: Grabe ang motivation mo. Ngayon ang motivation para sa iyo, 'di ba sabi ko nga, ang mom mo alam niya na meron kang life sa Germany. Pero binibigyan ka pa rin niya ng opportunity na i-pursue iyung minahal mo, ‘yung volleyball. Ikaw ba naglagay ka ng schedule? Sabi mo nga kanina, year to year ito eh, pero sa pagputok ng volleyball, parang mas lumaki ang responsibility na, "Ms. Rachel, dito ka muna sa Pilipinas. Bakit ka naman nagmamadali? Pwede ka naman magbakasyon bakasyon eh 'di ba?" Ganoon ba (ang) feeling mo?

RAD: Opo, kasi lagi kaming naga-ano ng mommy ko na ... ‘di naman nagtatalo ... Parang dito muna ako kasi may career pa ako. ‘Di pa ako ganyan ganyan, tapos sasabihin niya, “Anak, siyempre, hindi mo naman masasabi. Siyempre ang tao tumatanda. Mapapalitan ka na ng mas bata. Siyempre, ikaw dapat alam mo’ng  pupuntahan mo, ‘yung stable world na masasabi mo.” ‘Yun ‘yung sinasabi niya sa akin lagi. So ako naman, "Sige, sige. Last na ‘to, last na ‘to.” Ganoon po ako ng ganoon. “Sige, last na.”

CT: Para pala kayong nagtatawaran ng nanay mo sa huling centavo.

RAD:  Ganoon po. Sasabihin niya po, sige okay na. Tapos wala na naman po kaming league so pahinga naman. “Punta ka na dito, punta ka na dito.” Sige, magpa-plano na po akong pumunta, doon naman po papasok na kinukuha ako ng gan'to, kinukuha ako ng ganyan.

CT: Itong nangyayari sa volleyball na ito at saka sa age mo, kung fa-factor-in natin lahat, ano pa ang hinahabol mo? Kumbaga kilala ka na eh, na-prove mo na sa lahat ng level, high school, college, and now dito sa semi-pro na V-league na pwede kang mag-compete at pwede kang maging dominante. Ano pa ba’ng hinahabol mo?

RAD: Sa totoo lang, as a player gusto kong ma-experience mag-SEA Games. Kasi nakapag-compete lang po ako, Asian games sa Vietnam, noong nag-RP po kasi ako, akala namin makakalaro na kami ng SEA Games. ‘Yun ‘yung sabi ko, last na talaga ‘yon, basta makapunta lang ako, maka-join lang ako sa SEA Games.

CT: Ayan ka na naman sa “last” mo na ‘yan, panay ka “last” eh.

RAD:  Hindi naman po kami kasali, pero sa volleyball community parang wini-wish ko sana na magkaroon kami ng parang PBA. ‘Yung after college, may pupuntahan ka, magiging work mo.

CT: Baka itong V-League ano na ito, ito na ‘yung first step doon kasi kailangan niyo ga-graduate kayo. Kasi dito mixed pa ito may mga eskwela pa. Sa tingin mo may lugar for it? Kung ico-consider mo kung gaano in-embrace ang volleyball ngayon, tingin mo mayroong lugar para doon sa sinasabi mo na professional league ng volleyball?

RAD: Ngayon po talaga makikita mong possible na mangyari ‘yon kasi dahil sa suporta, tsaka siguro po kaya din ‘di magawa ‘yun, siguro lack ng financial. Pero ngayon, nakikita na ng mga companies na sobrang grabeng impact ng volleyball. So kahit papaano nagkakaroon sila ng idea na, "Bakit hindi natin gawan ng malaking mga pro league?" Ganoon.

CT: Mayroon ka na namang palusot sa nanay mo. Hihintayin mo ‘yung pro league. Ipapanuod natin sa mommy mo ‘yan, ma mayroon na naman bagong palusot itong anak niyo. Maghihintay naman po siya ng pro league. Mga Kapuso, mga suki natin dito sa "Sports Pilipinas," hindi ito ang first and last time na makakausap natin. Siya ang pagpapatunay na, ang ganda noong sinabi mo na kayong mga athletes, hindi kayo one-dimensional. Porket nakikita (ang) athletic prowess niyo, there is more to, sabi nga noong ano, sino ‘yun ng transformers? There’s more to ano ba ‘yun? Meets the eye ba ‘yun? ‘Yung sabi nila, hindi ‘yung nakikita mo lang, talaga. Kumbaga ikaw, bilang isang atleta, ano ‘yung talagang gusto mong iparating sa kanila para itrato kayo na hindi parang one-dimensional person? Ano ‘yung gusto mo talagang sabihin? Ano ‘yung gusto mo talagang message sa kanila? Is it respect?  Ano ba ‘yung nakikita mo? Kasi ini-stereotype nila, porket athlete ka, ‘yun lang ang ginagawa mo? Ano ang tinapos mo?

RAD: Business Management.

CT: Kita mo na. Hindi nila alam, ‘yan ang hindi niyo alam. Sa ibang mga nandiyan na nagpa-play, ano ang ... ika, kitang kita ko na dinesign mo ang life mo. You are in control of your life. Nakakausap mo ang mommy mo. Alam mo ang gagawin mo. Confident ka. Papaano mo ibu-build ‘yung ganyang confidence? Kung may batang nanonood diyan na gustong mag-volleyball at the same time, “Ay si Rachel, ‘yan ‘yung gusto kong sundan kasi alam niya ‘yung gagawin niya sa buhay niya.” Ano ‘yung number one tip mo sa kaniya?

RAD: Siyempre, kasi ako may goal ako lagi eh, ganoon. Tsaka ano ako, ‘pag gusto ko ‘yung isang bagay, talagang… Naiiyak ako eh.

CT: Okay lang ‘yun, pero ‘yun ang ano, pero ‘yun ang character na mayroon ka. Dahil ‘yan (ma)galing ka eh, hindi ka naman ... hindi mo siya dapat ikahiya dahil ‘yan ang bumubuo sa’yo eh. So sa bawat palo na nandiyan ka, ‘yun ang dinadala mo. Kasi ‘pag nakikita ka na lang nila ina-appreciate nila ‘pag lumulundag ka ng mataas. ‘Pag nakikita nila ‘yung grace mo sa ibabaw noon, ‘di nila alam na may mas malalim pala doon.

RAD: Akala kasi nila sa athlete parang mababaw. Akala nga nila sa athlete parang ano lang eh, happy go lucky lang. Pero ang hindi nila alam, mas malalalim kami.

CT: Ngayon, alam ko ‘yun. Salamat ha. Sa susunod, ‘wag kang iiyak sa’kin ha? Magi-iyakan tayong dalawa dito.


-Grace Gaddi/PF, GMA News
 

LOADING CONTENT