ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Montero brothers sa Tonight with Arnold Clavio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MONTERO BROTHERS
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: March 26, 2013




Tagisan ng galing at bilis, kuwentuhan at... bukingan?! 'Yan ang inyong aabangan sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Martes kasama ang magkapatid na Fi-Am celebrity na sina Troy at KC Montero.



Sa tulong nina Rhian Ramos, Aubrey Miles, at ng ina nina Troy and KC na si Mrs. Cynthia Miller, mabubuking ni Igan Arnold Clavio ang ilan sa mga sikreto ng magkapatid! Magkakaalaman na kung sino sa kanilang dalawa ang iyakin, mahilig mag-take out ng pagkain, at mas conscious sa itsura!

Matutuklasan din natin ang mga negosyong pinagkakaabalahan ng mag-kuya.
 



At dahil mga laking-Amerikang sina Troy and KC, sasabak sila sa mga Pinoy na Pinoy na mga pagsubok!

Abangan ang masaya at makabuluhang kwentuhan kasama ang Montero brothers ngayong Martes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!