ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Tonight with Arnold Clavio: Asian Pop Star Christian Bautista, Kapuso na
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ASIAN POP STAR CHRISTIAN BAUTISTA, KAPUSO NA! TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO Airing date: April 9, 2013
Kantahan, halakhakan, at ilang eksklusibong impormasyon - ‘yan ang inyong matutunghayan sa espesyal na muling pagbisita ng tinaguriang Asian Pop Star na ngayo’y isa nang certified Kapuso - si Christian Bautista!
Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit siya lumipat sa Kapuso network? At matapos ang isang dekada ng tagumpay bilang singer, movie/TV/stage actor at host, ano pa ba ang gusto niyang marating at ibahagi sa mga tagahanga niya hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa gaya ng Indonesia at Malaysia? Aalamin din ni igan Arnold Clavio kung paano niya napa-oo ang girlfriend niya ngayon na nakilala niya raw sa TV musical na naging project niya abroad. Pati ang pagiging varsity table tennis player sa University of the Philippines ni Christian, babalikan at muling masusubukan!
Syempre, mawawala ba naman ang musika? Tatlong magagandang awit ang ihahandog ng bagong Kapuso idol para sa mga sumusubaybay sa TWAC!
Abangan ang episode na ito sa April 9, Martes, 10:30 PM sa GMA News TV!

Abangan ang episode na ito sa April 9, Martes, 10:30 PM sa GMA News TV! More Videos
Most Popular