ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Music idol, Jay Durias' sa Tonight with Arnold Clavio


JAY DURIAS, MUSIC IDOL!
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: June 5, 2013

 


Musika, tawanan at sorpresa ang hatid ng Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules kasama ang nag-iisang soul at RnB star na si Jay Durias ng bandang South Border!
 
Isang proud Davaoeño si Jay at ikinuwento niya kay Igan Arnold Clavio kung paano ito naging inspirasyon sa paglikha niya ng mga awitin. Sa murang edad na 8 years old, tumutugtog na ito ng piano at nagpapasaya sa mga manonood, patunay na napakalaking bahagi ng kanyang buhay ang musika!



At sa isang pambihirang pagkakataon, nagpaunlak ng natatanging pagkanta ang mismong anak ni Jay - ang cute na cute na si JD. Talgang music runs in the Durias family!

Sa mga tagahanga ni Jay na laging nami-miss ang kanyang tinig at nakaaantig na kanta, malalaman na rin kung saan at paano siya mapapanood maliban sa kanyang mga TV guestings.
 
Abangan ang musika at makabuluhang kuwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!
 
Para naman sa ilang behind the scenes pictures ng TWAC, i-like ang Facebook page ng Tonight with Arnold Clavio:
http://www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
 
I-follow din ang official Twitter account ng TWAC:
http://www.twitter.com/TWACofficial