ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Mga hari ng bilyar


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MGA HARI NG BILYAR
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: May 28, 2013


 

Usapang barako ang magaganap ngayong Martes sa pagbisita ng mga kinikilalang Hari ng Bilyar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa – sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante!
 
Sino nga ba ang dalawang batikang manlalaro sa likod ng kanilang tagumpay at kasikatan sa bilyar? Ano kaya ang kanilang mga saloobin, payo at kuru-kuro pagdating sa pagiging asawa, padre de pamilya, at pagiging tunay na lalaki?
 
Hindi makukumpleto ang gabi kung hindi magpapakitang-gilas ang dalawa sa kanilang galing sa paglalaro ng bilyar! Ilang trick shots din ang sisikapin nilang ituro kay Igan. Magkakaalaman na kung may itinatago rin palang galing si Igan sa larong ito!
 
Isang gabing puno ng masayang kwentuhan ang hatid ng Tonight with Arnold Clavio, 10:30 PM sa GMA News TV!
 
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag: #BilliardKingsOnTWAC!
 
I-like din kami sa facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio