ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Balik 70's at OPM Night with Rico J


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BALIK 70’s AT OPM NIGHT WITH RICO J
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: July 23, 2013

 


Walang sinabi ang “throwback” sa classic! Dahil hindi lamang pagbabaliktanaw, kundi pagbibigay pugay sa mga awitin ng isang living legend ang magaganap sa "Tonight with Arnold Clavio" sa darating na Martes.

Walang iba kundi ang Total Performer na si Mr Rico J. Puno ang haharana sa atin ng mga classic na kanta gaya ng “The Way We Were,” “Bato sa Buhangin,” at “Macho Gwapito” -- mga awiting haligi na ng Original Pilipino Music!
 
Malalaman na rin kung ano nga ba ang sikreto ng isang Rico J, na kahit hindi kagwapuhan ay talagang kilabot pa rin daw ng mga chicks! Kakanta at hihirit na ng kuwento at mga biro si Rico J sa Martes, July 23!
 
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa Twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming Facebook: TonightWithArnoldClavio.