Filtered By: Newstv
NewsTV

World-class beauties na sina Gil at Ara sa 'TWAC'!


TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
WORLD CLASS BEAUTIES
December 17, 2013
Tuesday, 10:30pm






Naghandog na ng maagang pamasko sa bayan ang mga bibisita sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Martes! Ang kanilang aguinaldo, karangalan para sa ating mga Pilipino!
 
Humanda nang mabighani kina Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida at Mister International 2013 4th runner-up Gil Wagas! Pinatunayan nilang ang ganda at kisig ng Pilipino, tunay na world class!
 
Magbibigay sina Ariella at Gil ng maraming tips kung paano magkaroon ng stand-out na ganda at kakisigan. Paano nga ba magkaroon ng sexy na pangangatawan, makinis na kutis at mukhang pang- modelo?


 

Ibabahagi rin ng dalawang bisita kung anong paghahanda ang ginagawa nila at ng kanilang pamilya ngayong darating na Pasko.  Ano kaya ang Christmas wish ng mga taong kagaya nila na tila wala na yatang mahihiling pa?
 
Ipamamalas din nina Ariella at Gil ang iba pa nilang talent bukod sa pag-project at rampa, kaya abangan ang lahat ng ‘yan ngayong Martes, Disyembre 17, 10:30pm sa Tonight with Arnold Clavio sa GMA News TV-11!

Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio