ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pinoy rock and roll legends sa 'TWAC'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
EPISODE SYNOPSIS
AIRING Wednesday March 12, 2014
10:15 pm
 
Isang pagbabaliktanaw sa 60s, 70s at 80s rock scene ang handog ng Tonight with Arnold Clavio!
 
Makakasama ni Igan ang mga tinitingalang rock icons ng Pilipinas! Bibisita mula sa Juan Dela Cruz Band ang idol ng lahat na si Mike Hanopol at mula naman sa bandang Hagibis ay makakasama din natin ang tinaguriang "Sharp Shooter" na si Sonny Parsons!
 
Matagal na silang nami-miss makita sa TV ng mga fans. Balikan natin ang kanilang mga tatak pagdating sa imahe at pananamit!
 
Si Mike Hanopol, naka-beret at vest. At siyempre, ang grupong Hagibis, tinaguriang "Village People of the Philippines!" Bakit patok na patok sa old school Pinoy rock ang ganitong imahe?
 
Maki-jamming din sa kanilang greatest hits gaya ng "Katawan" mula sa Hagibis, "Jeprox", at marami pang iba! 
 
Makilahok sa masayang kuwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
I-like din ang aming instagram page, @TWACofficial!
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook:www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio