ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Jukebox night, hatid ng 'TWAC' kasama sina Mae Rivera, Renz Verano at Selina Sevilla




APRIL 22, 2015, WEDNESDAY,
10:15-11PM, GMA NEWS TV
JUKEBOX IDOLS SA TWAC!

Ngayong Miyerkules, tayo na't mag-throwback kantahan kasama ang mga jukebox idols na sina Mae Rivera at Selina Sevilla, at Renz Verano!
 
Ang kanilang mga hit na kanta, napakadaling tandaan at talagang mahirap makalimutan, ilang taon man ang nakalipas mula nang maging hit ang mga ito sa radyo. At paborito rin natin itong awitin sa videoke! Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng mga kantang 'Aray,' 'Nilunok Ko Lahat,' at 'Ibang-iba Ka Na?' 
 
At gaya ng kanilang mga kantang 'double meaning' o may pagkapilyo ang mga linya, aba'y walang preno ang pambubukong gagawin ng tatlo sa isa't isa! Sino sa kanila ang may nakaraan o nagkarelasyon daw? At sino sa kanila ang madalas maimbita ng mga madre para kumanta sa simbahan? 

 
Sasalang din ang mga jukebox royalty sa isang videoke challenge! Kung ang OPM hits, walang kahirap-hirap nilang ibinibirit, ang hit sa mga batang 'Let It Go,' kakayanin din kaya nila?
 
Tutok na ngayong Miyerkules dahil tiyak, masaya na naman ang kuwentuhan!

Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming Facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio!