ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
#GoMAnny: Pre-fight analysis ng Pacquiao v.s. Mayweather, handog ng 'TWAC'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


APRIL 29, 2015, WEDNESDAY
10:15-11PM, GMA NEWS TV
LABAN, PACMAN!
Go Manny!
‘Yan ang isisigaw ng sambayanang Pilipino ngayong darating na May 3 dahil sa wakas, magaganap na ang bakbakang matagal nang hinihintay ng milyon-milyong boxing fans sa buong mundo – ang sagupaang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather!
Tunay nga itong “Fight of the Century” hindi lang dahil sa calibre ng dalawang boxer, kundi dahil na rin sa laki ng salaping nakataya sa makasaysayang labang ito!
Pero sa dalawang premyadong boxer na ito, sino nga ba ang llamado? Si Mayweather ba, na “zero loss” daw o wala pang talo? O si Pacquiao, na lamang sa dami ng laban at dami ng knockouts?
Isa-isang hihimayin ng mga eksperto sa boxing, at mismong nakahalubilo nina Pacquiao at ni Mayweather ang mga elementong magsasabi kung sino ang lamang at sino ang maaring matalo. At hindi lamang Tale of the Tape ang magaganap, ilang eksklusibong impormasyon din ang ibabahagi ng mga eksperto tungkol sa dalawa.
Totoo nga bang taktika lamang ni Mayweather ang maging mapagkumbaba sa social media at interviews nito? ‘Di gaya noon na halos nilalait niya ang kakayahan ni Pacquiao? At ano ang ipinagkaiba ng Pambansang Kamao sa training niya ngayon kumpara don sa mga ibang laban?

At may bonus pa! Makakasama rin natin ang mga magaling na impersonator ni Manny, Mommy Dionisia at Jinkee Pacquiao.
We’ve got Pacman fever kaya tutok na ngayong Miyerkules ng gabi sa Tonight with Arnold Clavio, 10:15pm sa GMA News TV.
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC! At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio!
More Videos
Most Popular