ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Marian Rivera, bibigyan ng baby shower nina Igan at mga kaibigan sa 'TWAC'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


June 17, 2015  
Wednesday, 10:15 pm
PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA
 
Sa wakas---makalipas ang higit tatlong taon---magbabalik na sa TWAC ang Reyna ng Primetime sa Kapuso Network na si Marian Rivera!
 
Isa itong pambihirang pagkakataon dahil sa ngayon ay minabuti muna ni Marian ang bawasan ang kanyang mga proyekto at trabaho sa pelikula at telebisyon dahil sa pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Dingdong Dantes. At excited na si Igan Arnold Clavio sa muli nilang paghaharap! Tiyak, masaya at makabuluhan muli ang kanilang magiging kuwentuhan!
 
Isang 'baby shower' ang inihanda para sa 'Royal Baby' ng Kapuso Network, kasama ang ilang kaibigan ni Marian na sorpresang dadalo sa naturang okasyon. Ano kaya ang kanilang kahilingan at munting regalo para sa anghel sa buhay nina Marian at Dingdong? At ang tanong sa isipan ng marami - babae ba o lalaki ang magiging first born nila? Ano kaya ang balak nilang ipangalan dito? Kukunin kaya nilang ninong si Igan?




 
Magkakabukuhan na rin! Ilang buwan matapos ang tinawag na Royal Wedding nina Dingdong at Marian, kumusta na ba ang buhay mag-asawa nila? Nagulat nga ba si Marian sa mga nadiskubre niya tungkol kay Dingdong ngayong asawa na niya ito?
 
Tutok na sa TWAC para malaman ang mga kasagutan kasama ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen!
 
I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitinang hashtag na #TWAC! I-like din ang aming Instagram page! @TWACofficial At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio.