ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kwelang kuwentuhan at #Throwbackantahan ngayong Miyerkules sa 'TWAC'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayong Miyerkules ng gabi, dobleng saya at tawanan ang hatid ng mga de-kalidad at nakatutuwang bisita ni igan Arnold Clavio!


Sa unang bugso ng kwentuhan: ang “throwback” na kantahan kasama ang mga reyna ng jukebox, Claire dela Fuente at Eva Eugenio. Siguradong mapupukaw ang inyong damdamin at mga alaala habang hinaharana nila tayo ng kanilang classic OPM hits gaya ng “Sayang,” “Tukso, Layuan Mo Ako,” at marami pang iba pa.
Patutunayan ng mga Jukebox Queens of the Philippines na walang kupas pa rin ang kanilang husay sa pag-awit. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa “Karen Carpenter of the Philippines” na si Claire? At sino naman ang hindi matutuwa sa galing at kaunting kapilyahan ng nag-iisang si Eva Eugenio?


Unang nakilala si Chariz sa Starstruck at pagpapatawa bilang isa sa mga “Tigbak Authority” ng showbiz-oriented talk show na Star Talk. Samantalang si John Feir, na kilala rin bilang katambal ni Mike “Pekto” Nacua na si “Belly Flori.” Pero teka, kung gaano ka-“click” ang tambalan nina Chairz at John sa telebisyon ay ganoon din kaya sa likod ng camera? Kumusta naman kaya sila bilang mga asawa sa tunay na buhay?
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/
More Videos
Most Popular