ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Thank God for this T.G.I.S reunion ngayong Miyerkules sa 'TWAC'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.



Kung may “Aldub” ngayon – ang trending at sikat na loveteam ng Eat Bulaga na binubuo nina Alden Richards at Yaya Dub –  aba’y marami na ring naging patok na love team noong dekada nobenta! Kabilang na dyan ang tambalang “Wacks at Peachy” na binubuo nina Bobby Andrews at Angelu de Leon, mula sa nangungunang teen-oriented program noon na “TGIS”.
 
Sino nga ba ang hindi kinilig sa ligawan at pag-iibigan nina Wacks at Peachy noon sa TGIS? Ilang beses na ring hiniling ng kanilang fans na sana, totohanin na nila ang kanilang relasyon dahil sa napakalakas na chemistry sa pagitan nilang dalawa. At kahit hanggang ngayon, dalawampung taon nang nakalipas mula noong unang napanood ang tambalan nila sa TGIS, nananatili silang malapit na magkaibigan.
 
Pero hindi lang sina Angelu at Bobby ang sinusubaybayan noon sa TGIS, kundi ang nakatutuwa at nakakakilig ng kwento ng buo nilang barkada. Kabilang dito si “Superman” o si “Mickey,” na ginampanan ni Michael Flores, at nang maglaon, nadagdag sa kanilang grupo sina “Rain” na ginampanan ni Ciara Sotto at “Bea” na ginampanan ni Bernadette Alyson.
 
Ngayong Miyerkules, isang reunion ng TGIS cast ang mapapanood sa TWAC! Humanda nang mag “trip down memory lane” kasama nina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Ciara Sotto at Bernadette Alyson! Bukod sa throwback kwentuhan, marami rin silang ibubuko tungkol sa isa’t isa. Sino nga ba sa kanila ang naging magkarelasyon at minsang nag-date? Sino sa cast ang mainitin ang ulo at nakipagsuntukan pa raw? At ang pinakamahalagang tanong: Kailan ba sila ulit magsasama-sama?
 
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC! At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
Tags: twac, tgis