ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Boom-bae Sam YG at HBD Girl Patricia, makikigulo sa 'TWAC'

SAM YG AT HBD GIRL PATRICIA: EAT BULAGA PA MORE!
Talagang wala nang makapipigil sa patuloy na kasikatan ng Eat Bulaga, lalu na't napakainit ngayon ng tambalang AlDub na binubuo nina Alden Richards at Yaya Dub! At ang isa sa mga panauhing tampok sa Tonight with Arnold Clavio, saksi sa kilig at tuwa ng 'Pambansang Bae' na si Alden sa tila totohanan na nilang pag-iibigan - walang iba 'yan kundi ang 'Pambansang Bum-Bae,' Sam YG!
Ilang kaganapang 'behind the scenes' tungkol sa love team na paborito ng lahat na 'AlDub' ang ikukuwento ni Sam kay igan Arnold Clavio ngayong Miyerkules. 'Yan ay dahil madalas daw silang 'maglaglagan' ni Alden o magtuksuhan sa kani-kanilang mga napupusuang babae! Bukod pa rito, ibabahagi at ituturo rin ni Sam kay igan ang ilang mga mahahalagang 'Lesson of the Bae' na talaga namang inaabangan sa Eat Bulaga.
Makakasama rin ni igan si “HBD Girl” Patricia, para sa kauna-unahan nitong interview sa telebisyon! Mas makikilala na ngayon si Patricia Tumulak, na unang lumabas sa isang softdrink commercial at ngayon, araw-araw na bumabati sa mga dabarkads sa kanilang kaarawan. Pinahanga rin niya ang mga manonood sa galing niyang sumayaw at mag 'aerial stunts!'
Siyempre, hindi rin palalampasin ni igan ang pagkakataong isailalim sila sa ilang mga challenge kung saan maaring mabuko ang mga itinatago nilang sikreto!
Gaano nga ba kasaya maging dabarkads ng Eat Bulaga? Abangan ang masayang kwentuhan kasama sina Sam YG at HBD Girl Patricia sa TWAC! Ngayong Miyerkules na!
I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial
I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, silip na sa www.facebook.com/
More Videos
Most Popular