ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kilalanin kung sino si Carla Abellana sa likod at harap ng kamera sa 'TWAC'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Part 1: ONE ON ONE WITH CARLA ABELLANA!

(November 18)

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama ni igan Arnold Clavio ang isa sa mga premyado at ipinagmamalaking Kapuso actress!

Sa TV, naging popular siya bilang si “Rosalinda” at “Lally” (My Husband’s Lover) at ngayo'y napapanood bilang si “Majay” sa Ismol Family at Host ng mapangahas na drama anthology na Karelasyon. Walang iba kundi si Ms. Carla Abellana!

Nagmula si Carla sa pamilya ng mga magagaling na artista - ang kanyang lola ay si Delia Razon, na pinagpipitagang aktres sat inuring na Golden Age of Philippine Cinema o dekada kwarenta hanggang sitenta -- samantalang ang kanyang ama na si Rey PJ Abellana ay naging matinee idol naman noong ‘80’s.

At sa episode na ito, mas kikilatisin natin si Carla! Alamin kung paano siya naiiba sa harap at likod ng camera.