Ethel Booba meets Rufa Mae Quinto sa 'Tonight with Arnold Clavio'

Sa kauna-unahang pagkakataon magsasama sa isang interview ang dalawang babaeng komedyanteng higit sa kanilang talento ay naging puhunan ang pagiging sexy at “booba”?! “Booba Meets Booba,” ika nga! Dahil makakasama natin sina Ethel Booba at Rufa Mae Quinto!
Alamin ang latest sa dalawang walang kupas na celebrity. Alam n’yo bang may isinulat na libro itong si Ethel habang nalalapit naman ang kasal at panganganak ni Rufa Mae?
Sisilipin natin ang kanilang mga social media account para makita kung ano pa ang iba nilang pinagkakaabalahan.
Totoo bang nagbago na ang “spiritual” side ni Ethel? At si Rufa Mae, nakipag-reunion daw sa kanyang mga former co-stars sa GMA gag show na Bubble Gang. Bakit kaya?
Sasabak pa ang dalawang ito sa maraming katanungan na walang preno nilang sasagutin kaya naman tiyak na mapapasaya sa kayo sa kakatawa. Pero ang pinaka-espesyal na parte ng episode na ito --- meron silang pasabog na sorpresa para mismo kay Igan Arnold Clavio! Ano kaya ito?
Abangan ang kwela at walang “keme” na pagbisita ni Rufa Mae at Ethel Booba sa TWAC! Ngayong Miyerkules na!
I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC6. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio