Super Tekla at Donita Nose, makikisaya sa 7th anniversary ng 'Tonight with Arnold Clavio!'

Kung laugh trip ang hanap n'yo, tumutok na sa GMA News TV ngayong Miyerkules ng gabi dahil makakasama ni igan Arnold Clavio ang tambalang araw-araw kinaaaliwan sa “Wowowin” na sina Donita Nose at Super Tekla. Kaya naman, asahang masaya at trending na kwentuhan na naman ang inyong matutunghayan sa Tonight with Arnold Clavio!
Espesyal ang episode na ito dahil ito ang kauna-unahang beses na magsasama ang dalawang komedyante para sa isang kwelang interview sa TWAC. Ito ang masayang handog n gaming programa na nagdiriwang ng ika-7 taon nito sa ere ngayong Marso!
Kilalanin sina Donita at Tekla sa bagong segnment na “Akin ang Korona!”. Hulaan kung sino sa kanila ang nadiskubre ng talent manager habang nag-vi-videokeo sa loob ng mall, ang nangangrap na maging guro, ang mayroong partner na OFW at may anak.
Sa TWAC “Guess-Sing Game”, magpapagalingan naman ang dalawa sa paghula at pagbirit ng mga kanta. Sino kaya ang mas mahusay na singer kina Donita at Tekla?
Maglalaban din silang dalawa sa pa-sosyalan! Bibigkasin nila ang mahihirap i-pronounce na salita gaya ng mga mamahaling brand ng damit, bag at kung ano-ano pa. Sa mabilisang tanong at sagot naman, mabubuko ang iba pang trivia tungkol sa kanila gaya ng “best asset” ni Donita at “secret talent” naman ni Tekla.
Sali na trending at viral na kwentuhan! I-follow ang twac sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWACSuperSevenYears. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio