ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Andrea Torres, mas kikilalanin sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sizzling hot na ang mga araw at gabi ngayong summer pero mas paiinitin pa ito ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa kanyang pagbisita sa Tonight with Arnold Clavio!

Level up ang mga challenge sa TWAC kapag si Andrea ang sumalang! Kwela kasi siya at game na game sa kanyang pagsagot sa mga katanungan tungkol sa kanyang personal na buhay kaya naman kung tikom ang bibig ni Andrea noon pagdating sa kanyang relationship status, mapapaamin na kaya siya ngayon ni igan?

Ano ba talaga ang tipo ng lalaki ni Andrea? At sa dami ng kanyang mga naging leading man sa GMA, mahulaan kaya niya kung sino sa mga ito ang nagmamay-ari ng braso, dibdib at abs na nasa mga litratong ipapakita namin?

Abangan din ang mga plano ni Andrea sa kanyang nalalapit na birthday ngayong Mayo at ang ang kanyang munting pagbabahagi tungkol sa isang taong  napaka-espesyal pala para sa kanya. Sino kaya ito?

Talagang mag-iinit ang inyong Miyerkules ng Gabi sa TWAC! I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #AndreaTorresOnTWAC. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio