ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sunshine Cruz, makikisaya sa 'Tonight with Arnold Clavio'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Isang aktres na ageless ang ganda kaya naman certified hot momma ang sunod na makakakwentuhan natin sa TWAC!

Walang iba kundi ang nagbabalik-Kapusong si Ms. Sunshine Cruz!

At dahil na-miss natin siya, mag-throwback muna tayo! Ano kaya ang fondest memories niya sa GMA programs na kinabilangan niya noon gaya ng That’s Entertainment at Bubble Gang?

Sunod, ikukuwento na niya ang comeback show niyang “Kapag Nahati  Ang Puso”  na kakaiba raw ang storya! Bakit kaya nagustuhan ni Sunshine ang project na ito at ano bang papel niya rito? Ayon kay Sunshine, ang bagong palabras daw ay tungkol daw sa magkaribal na hindi pangkaraniwan! Abangan natin ang mga detalye sa kanya!  

At dahil mababanggit na rin ang magkaribal – aalamin natin ang opinyon ni Sunshine sa iba’t-ibang sitwasyon ng agawan o tunggalian sa relasyon! Ano kaya ang mas pipillin ni Sunshine ---ang magkaroon ng karibal na kanyang kapatid o kaya best friend? Ano ang mas matatanggap nya - ang iwan ng boyfriend nang dahil sa ibang babae o bading?

Para naman maging wholesome and inspiring ang talakayan - ibibida ni Sunsine ang kanyang college degree! Paano niya ito na-achieve sa kabila ng pagiging busy single parent? Mayroon din syang ibabahagi sa atin tungkol sa tatlo niyang anak na babae at “special someone”.  Talaga namang maraming aabangan!

Asahan ang isa na namang masaya at makabuluhang kwentuhan ngayong Wednesday, 10:15 pm sa TWAC!

Para sumali sa usapang online, i-follow ang aming social media accounts at gamitin ang hashtag na #TWACSunshineCruz.

Tags: sunshinecruz