ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

The Giselle Sanchez and Emil Buencamino Love Story sa 'Wagas'




Palibhasa’y matalino, maganda, sexy, at may nakahuhumaling na charm at sense of humor, habulin ng boys ang komedyanteng si Giselle Sanchez noong siya ay dalaga at nag-aaral pa lang sa University of the Philippines.
 
Aminado si Giselle na siya ay “choosy” pagdating sa mga lalaki, pero natagpuan din nya ang hinahanap niyang “total package” kay Emil Buencamino na nakababatang kapatid ng gwapo at mayaman niyang kaklase.
 
Aksidente lang kung bakit nagkakilala si Giselle si Emil—wala sa bahay noon ang kuya ni Emil kaya siya ang nakasagot sa tawag ni Giselle na pakay lamang manghiram ng video camera sa kanyang kuya.
 
Ang maiksing paguusap sa telepono tungkol sa project sa eskwelahan, humantong sa personal na pagtatagpo! Kuwento ni Giselle, unang tingin pa lang daw niya kay Emil ay naramdaman na ‘bet na bet” niya ito. At ika nga, “The rest is history!”

Abangan ang nakakatuwang love story na ito nina Giselle at Emil na nagsimula pa lang noong sila ay mga estudyante at hanggang ngayon ay nananatiling may tamis at matatag pa rin.
 
Tampok si Pauleen Luna bilang si Giselle Sanchez at Marco Alcaraz bilang Emil, tiyak na kayo ay kikiligin, matatawa at mai-inspire sa totoong kuwento ng pag-ibig na ito! Abangan sa Wagas ngayong Sabado, Septemer 14, 7pm sa GMA News TV.